^

PSN Showbiz

Ogie hindi naurirat sa chorvang premyo kay Regine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Agad nawala si Ogie Alcasid after mag-host ng first segment ng Christmas Party for the entertainment press ng TV5. Hindi tuloy namin nabiro kung nagka-chorvahan sila ni Regine Velasquez dahil sa Christmas gift niyang Hermes Birkin bag sa asawa. Iyon ang sinabi ni Regine bilang pasasalamat sa gift ng asawa.

Samantala, busy si Ogie sa paghahanda sa gaganaping 12-hour musical festival billed Palakasin ang OPM bukas, 12nn-12mn sa Amphitheater ng Bonifacio High Strees. Si Ogie ang OPM president at gusto nito at mga kasama na maging successful ang musicfest na tinawag niyang Collab Sessions.

Bukod kay Ogie, performers sina Gary Valenciano, Noel Cabangon, Basti Artadi, Christian Bautista, Sandwich, Lara Maigue, Davey Langit, Quest, Lolita Carbon, at iba pa. Free entrance ito at ang first 200 na manonood ay sa VIP section uupo.

Jake walang paki kahit sinasabihang mataba

Typical Jake Cuenca na walang pakialam sa bashers niya nang rumampa sa Bench underwear show. Sa social media lang daw masama ang comment sa kanya, pero ang mga nasa MOA ay natuwa sa ginawa niya. Sabi pa nga nito, sa last Bench underwear show niya natanggap ang “biggest ovation of his life.”

Tanggap ni Jake na hindi siya in best shape that night, mataba siya, pero dahil last na pagrampa na niya ‘yun, sumige pa rin siya. Hindi na siya makikita in his underwear again at batay sa “I got bashed the next day, but you know why? They can bash all they want as long as you spell my name correctly-Jake Cuenca-then I’m happy,” sabi ni Jake at nagpasalamat pang pinag-usapan siya.

Anyway, excited si Jake kung paano tatanggapin ng audience ang pelikulang Mulat (Awaken) na kabilang sa New Wave entries sa 2014 MMFF. Nanalo siyang Best Actor sa International Film Festival Manhattan for the said movie at natanggap niya ang trophy dahil nasa New York siya that time.

Ayaw mag-expect ma­nalo ni Jake, napaso siya nang hindi manalong Best Supporting Actor for Ikaw Lamang sa Star Awards for Movie. Disappointed siya, pero mabilis naka-move on.

Ang Mulat ay ipalalabas sa December 17-14 bago ang MMFF sa SM Megamall at Glorietta 4 Cinemas. Mula ito sa direction ni Diane Ventura.

Miguel at Bianca ayaw magpadala sa tukso

Naka-first day taping na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa Once Upon a Kiss na kinunan ni direk Joyce Bernal sa Calatagan, Batangas. Kahapon, ang second day taping ng magka-love team sa Cavite naman.

 Excited si Miguel sa role niyang si Prince Pelaez dahil normal na ang karakter, mayaman pa siya rito. Maangas at mayabang din ang karakter niya at kailangan niyang pag-aralan at paghandaan. Suggestion namin, manood siya ng Meteor Garden dahil ganu’n ang karakter ni Jerry Yan as Dao Ming Si.

Overwhelmed si Miguel sa mahuhusay na cast na isinama sa kanila ni Bianca. Kailangan nilang sumabay or else, mapag-iiwanan sila. Si Michael de Mesa ang lolo niya at sina Mylene Dizon at Cris Villanueva ang parents niya.

Sabi pala ni Miguel, nag-usap sila ni Bianca na hindi magpapadala sa tukso kahit gusto ng fans na maging sila. Hindi nila pipilitin ang mga sarili na magka-inlaban, basta ngayon, masaya sila bilang “special friends.”

BASTI ARTADI

BEST ACTOR

BEST SUPPORTING ACTOR

BIANCA

BIANCA UMALI

MIGUEL

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with