Xian at Kim bukambibig ang trending! Past Tense hindi masyadong nag-trend sa sinehan
Boylet ni Aiko maraming nakakawindang na kuwento
SEEN: Ang report na P27-M ang box-office gross ng Past Tense sa limang araw na showing sa mga sinehan ng pelikula nina Kim Chiu at Xian Lim.
SCENE: “Trending” ang favorite expression nina Kim Chiu at Xian Lim. Hindi nagawa nina Kim at Xian na mag-trend sa mga sinehan ang Past Tense.
SEEN: Ginanap kagabi sa Sampaguita Gardens Events Place ang Despedida de Soltera para kay Marian Rivera. Dumalo sa Despedida de Soltera ang lahat ng close friends ni Marian.
SCENE: Si Jodi Sta. Maria at hindi si Angelica Panganiban ang gaganap na Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ’yo ng ABS-CBN. Gagampanan ni Angelica ang role ni Claudia Buenavista, ang karakter na binigyang-buhay ni Jean Garcia sa original version ng Pangako Sa’yo.
SEEN: Ang World Trade Center ang venue noong Martes ng trade launch ng mga bagong programa ng ABS-CBN para sa 2015, ang Nathaniel, Pangako Sa ’Yo, Pasion de Amor, Flor De Liza, at Never Say Goodbye.
SCENE: Masipag ang news reporter ng TV Patrol sa pag-uulat sa mga tao na nagrereklamo sa “abusive behavior” ni Jorbe Adriatico, ang MMDA traffic enforcer na sinuntok ng businessman at Maserati driver na si Joseph Russel Ingco. Huminto na si MMDA Chairman Francis Tolentino sa pagtatanggol kay Adriatico dahil nasa prosecutor’s office na ang kaso.
SEEN: Ang paglabas ng mga intriguing story tungkol sa basketball player na si Michael Pate mula nang matsismis na siya ang bagong inspirasyon ni Aiko Melendez.
SCENE: Ang panawagan ng GMA-7 News na tumutok ang publiko sa mga balita dahil sa inaasahan na pagpasok ngayon sa bansa ni Super Typhoon Hagupit. Kasama ang Pilipinas sa mga bansa na apektado ng climate change kaya nakakaranas ng mga powerful typhoon.
- Latest