^

PSN Showbiz

Isang buwan doon Heart tututukan ang ipinagagawang damit na pangkasal sa Amerika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

One month na hindi mapapanood sa Startalk si Heart Evangelista dahil pupunta siya sa US para asikasuhin ang wedding gown na ipinapagawa niya sa international Filipina fashion designer na si Monique Lhuillier.

It’s a must na nasa Amerika si Heart para sa fitting niya sa gown na gagamitin sa kasal nila ni Senator Francis Escudero sa Balesin Island sa February 15, 2015.

Mahihirapan na si Heart na magpabalik-balik sa Amerika sa January dahil magiging busy na siya sa paghahanda para sa kasal nila ni Papa Chiz kaya matatagalan sila sa Los Angeles ngayong December.

Dra. Belo abala sa kasal ni Marian

Hindi pa tapos ang mga bridal shower para kay Marian Rivera dahil bibigyan din siya ng bridal shower ni Dra. Vicki Belo.

Gusto sana ni Mama Vicki na siya ang magregalo ng wedding gown na gagamitin ni Marian sa altar date nito kay Dingdong Dantes pero nauna na ang announcement na si Michael Cinco ang personal choice ni Marian na gagawa ng gown nito.

Bukod sa bridal shower para kay Marian, idea ni Mama Vicki na maglabas ng mga Belo Bride billboard bilang endorser ng kanyang medical clinic ang fiancée ni Dingdong Dantes.

Asawa ni Freddie Aguilar ibinabandera na ang mukha

Malaya nang nailalabas sa mga diyaryo at TV ang mukha ng misis ni Freddie Aguilar.

Puwede nang banggitin ang name ng babae na nagpapaligaya ngayon kay Ka Freddie bilang 18 years-old na siya.

Si Ka Freddie ang escort ni May Jovie Albao nang magdiwang ito ng 18th birthday noong December 1.

Sixteen years old pa lamang si May Jovie nang maging boyfriend niya ang senior citizen na folk singer.

Kinaiinggitan si Ka Freddie ng mga mhin dahil parang apo na niya at hindi lamang basta “anak” ang bagong asawa niya.

Sen. Bong ayaw na uling magpa-check up

Dahil mananatili siya sa PNP Custodial Center, may mga plano na si Senator Bong Revilla, Jr. para sa sarili.

Kabilang ang madalas na work out para mabawasan ang kanyang timbang.

Susundin ni Bong ang payo ng mga doktor na mag-reduce at piliin ang mga kakainin niya para bumaba ang level ng kanyang cholesterol.

Nang matapos noon ang check up sa kanya sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, bumalik si Bong sa Camp Crame, ang patunay na walang katotohanan ang ikinakalat na balita na gusto niya ng hospital arrest.

Ang sey ni Bong, mga haka-haka lamang ‘yon ng detractors niya.

“Natatakot sila sa mga multo na sila mismo ang gumagawa. Wala naman ang hospital arrest sa motion namin. Kung ako nga ang masusunod, ayoko nang magpa-check up.”

Valerie Weigmann pasok sa Top 10 ng Beauty With a Purpose at People’S Choice ng Miss World 2014

Kasali si Valerie Weigmann sa Top 10 candidates ng mga kategorya ng Beauty With a Purpose at the People Choice ng Miss World 2014.

Magandang sign ito para sa mga supporter ni Valerie na kinabahan dahil hindi sinuwerte na magkaroon ng puwesto sa Top Model at Sports & Fitness Competition  ng Miss World ang bet ng Pilipinas.

Sa December 14 pa ang coronation night ng Miss World 2014. May panahon pa para magpakitang-gilas si Valerie sa mga hurado. Hindi naman siya nag-iisa dahil kasama niya si Miss World 2013 Megan Young na tiyak na magbibigay sa kanya ng moral and emotional support.

vuukle comment

BEAUTY WITH

DINGDONG DANTES

FREDDIE AGUILAR

KA FREDDIE

MISS WORLD

NIYA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with