Action star noon pa buking na kakaperanggot ang ‘sandata’
Hinding-hindi na makakalimutan pa ng mga reporters ang minsang panghahabol ng isang action star sa isang kolumnistang nagsulat na maliit lang ang kanyang sandata.
Naganap ‘yun sa bakuran ng isang network, may nakapagnguso sa action star na nandu’n ang kolumnista, kaya nag-init ang kanyang ulo at kinompronta niya ang manunulat.
Pumalag ang reporter, hindi ito pumayag na basta pagsalitaan na lang ng action star kaya ang kanyang sabi, “Pinangalanan ba kita? Binanggit ko ba ang pangalan mo? Bakit ka nanggagalaiti ngayon?”
Lalong nag-init ang ulo ng usung-usong action star nu’n, ipinilit niya sa reporter na hindi man siya pinangalanan nito ay maraming tumawag sa kanya para sabihing siya talaga ang nasa blind item, kaya galit na galit siya.
Ang simpleng sinabi lang ng manunulat, “Kung sa palagay mo, e, ikaw ‘yun, kahit hindi ko naman pinangalanan ang item ko, bahala ka! May right akong itago ang subject ko, lalo na ang source ko!”
Napaghiwalay ang action star at ang reporter, galit na galit pa rin ang action star, parang gusto niyang sabihin sa manunulat na pinagpala ang kanyang sandata at hindi totoong “cocoon” lang ang sa kanya.
Pagkatapos lang nang isang linggo ay may nakainterbyu sa ex na aktres ng action star, may diretsong nagtanong sa aktres kung ano’ng masasabi nito sa paninira ng kanyang ex sa kolumnista, nag-apiran ang lahat ng nandu’n sa rebelasyon ng ex ng action star.
“Bakit siya magagalit, e, nagpakatotoo lang naman ‘yung columnist? Totoo namang duty free (read: maliit) siya, dinaraan lang niya sa porma ang lahat, pero totoo namang wala siyang maipagmamalaki!” madiing pahayag ng aktres.
Nagkita uli sa isang talk show ang action star at ang reporter, nakayuko na lang ang machong aktor, walang kakibu-kibo, pinagpistahan kasi ang nakakalokang rebelasyon ng ex niya tungkol sa kanyang sandata.
Ubos!
Renz, Ricard, Rannie, at Chad pilit isinasalba ang OPM
Matindi ang naging labanan nu’n nina April “Boy” Regino at Renz Verano. Sila ang pinagsabong nu’n ng mga recording company kung saan sila nakakontrata, grabe ang benta ng kanilang mga piyesa, dinudumog silang dalawa lalo na sa mga probinsiya..
Kapag eleksiyon ay mga kanta rin nila ang ginagamit na jingle ng mga pulitiko, naglalagare sila sa tatlo hanggang apat na entablado gabi-gabi kapag halalan, palatandaan na sila ang hinihingi ng publiko.
Tapos na ang kanilang labanan sa bentahan ng album, pero hindi pa rin sila nawawala sa mundo ng musika, lalo na si Renz Verano na kasama sa OPM Hitmen nila nina Richard Reynoso, Rannie Raymundo at Chad Borja.
Wala pa ring kupas ang boses ng apat na singers na ito na nagmarka sa ating mga kababayan sa mga pinasikat nilang kanta. Si Renz sa kanyang Remember Me, si Richard Reynoso sa kanyang Paminsan-Minsan, si Rannie sa kanyang Why Can’t It Be at si Chad sa kanyang Ikaw Lang.
Sa December 11, Huwebes, ay muling mapapanood ang OPM Hitmen kasama ang kanilang guest na si Marion Aunor sa Zirkoh-Tomas Morato.
Buhay na buhay pa rin ang OPM kahit pa maraming lumalabas na awiting banyaga, walang makapipigil sa tagumpay ng mga kantang Pilipinung-Pilipino, na mas pinasisigla pa ng OPM Hitmen.
Sabi nga ni Renz, “’Yun po ang dahilan sa pagbubuo namin ng grupo nina Richard, Rannie, at Chad. Kailangan naming mag-ikot para patuloy na buhay na buhay ang OPM.”
- Latest