^

PSN Showbiz

Mega-laking toy chest bagong dinarayo sa Star City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng Kapaskuhan, may inihanda ng bagong panoorin ang Star City para sa mga bibisita sa pinakabantog na amusement park sa bansa. 

Tiyak manlalaki ang mata ng mga bata ‘pag nakita nilang ang kanilang mga paboritong karakter sa mga storybooks na nabuhay ng napakalaki. Isang higan­teng manika, malaking kahon ng krayola, radio, at teddy bear ang tatambad agad sa kanilang paningin at magbibigay-daan sa iba pang mga makulay na display sa loob.

Sa Snow World naman, mga ice carving ng iba’t ibang uri ng hayop na ma­tatagpuan sa North Pole ang kagigiliwan ng mga papasok upang makatikim ng tunay na snow at magpadulas sa pinakamahabang ice slide sa Asia.  

Sikat na sikat din ang mga thrill rides tulad ng Star Flyer bukod sa pina­kamataas na ferris wheel sa buong bansa, na nagbigay kulay sa kapatagan ng Manila Bay. Ang Wacky Worm, Blizzard, Viking Ship, Jungle Splash, Telekombat, at Bump Cars ay nanatiling paborito ng bata’t matanda, bukod sa mga hilig puntahan tulad ng Pirate Adventure, Magic Forest, at Dungeon. Ang Lazer Blaster naman ay isang tag arena na kinagigiliwan ng mga pamilya at magbabarkada.          

Ang Star City ay bukas mula alas-kuwatro ng hapon Lunes hanggang Huwebes, at mula alas-dos ng hapon mula Biyernes hanggang Linggo. P65 ang karaniwang entrance tiket, subalit maaring kumuha ng Ride-All-You-Can access sa halagang P420. Mayroon ding special promo na kung tawagi’y Three Cheers, para doon sa gustong pumili ng tatlong sasakyan lamang. 

Para sa higit na kaalaman, tumawag sa 832-3249 at 833.4484.

Dating working student at empleyado yumaman sa negosyong nail salon at spa

Nakapagtapos ng kolehiyo si AJ Opeña bilang isang working student at kala­una’y nagtrabaho sa isang kumpanya. Ngunit hindi siya nakuntento sa pagiging empleyado kaya’t kinumbinsi niya ang kanyang mister na sumugal sa pagnenegosyo.

Ngayon, si AJ na ang may-ari ng Nails.Glow na mayroong 34 branches ma­kalipas lamang ang limang taon. Para kay AJ, hin­­di dapat nakakabutas ng bul­sa ang pagpa­pa­­gan­da, kaya naman ginawa niyang afforda­ble ang kanilang mga serbisyo tulad ng foot and hand care, nail art, massage, at facial spa.

Tunghayan ang kanyang kwento ng pag-a­sen­so ngayong Miyerkules (Dec 3) sa My Puhu­nan kasama ang batikang mamamahayag na si Karen Davila na isasalaysay ang lahat ng pi­nag­­daanan ni AJ bago maabot ang tagumpay. 

Sa pagpasok naman ng Disyembre, mga kwentong Kapaskuhan ang itatampok ni Doris Bigornia ng­yon (Dec 2) sa Mutya ng Masa, kung saan lilibutin niya ang night market sa Divisoria para mag-Christmas shopping at dadayo sa Tarlac upang masaksihan ang “Belenismo,” isang sikat na taunang Belen-making contest.   

Tutukan ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Dec 3), at ang Mutya ng Masa ngayon (Dec 2), 4:30PM sa ABS-CBN.

 

 

ANG LAZER BLASTER

ANG STAR CITY

ANG WACKY WORM

BUMP CARS

DORIS BIGORNIA

JUNGLE SPLASH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with