Chairman Tolentino final na ang pag-babu sa MMFF
Ang 2014 MMFF ay siya ring magsisilbing huling taon ni MMDA at MMFF chairman Atty. Francis Tolentino dahil iiwanan na niya ang kanyang post bilang chairman dahil sa kanyang paghahanda sa muli niyang pagtakbo sa pagka-mayor ng Tagaytay sa 2016 elections.
Marami man ang nanghihinayang sa nalalapit na paglisan ni Chairman Tolentino bilang MMDA at MMFF chairman, pinal na umano ang desisyon ng nasabing opisyal .
Jamie nasakripisyo ang pangarap sa Hollywood para sa Miss Earth
Alam mo, Salve A., personal naming nakadaupang-palad ang 86 candidates ng nagtapos na 2014 Miss Earth nang ang mga ito ay mag-dine-in sa kilalang Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City days before the coronation night.
Si Mario Dumaual ng TV Patrol pa mismo ang nagsabi na malakas ang laban ng Miss Earth Philippines na aming sinang-ayunan pero nagkaroon kami ng agam-agam na parang hindi maganda tingnan kung ang Pilipinas ang mananalo.
Kung Fil-Am ang kauna-unahang 2013 Miss World na si Megan Young, Fil-Am din ang 19-year-old na si Jamie Herrell na ipinanganak at lumaki sa Amerika bago nag-relocate sa Cebu City kung saan din siya itinanghal na Miss Cebu bago siya sumali sa Miss Earth Philippines in May 2014.
Isang Hollywood dream ang ipinagpalit ni Jamie sa kanyang pagiging beauty-title holder. Bago siya sumali sa Miss Earth beauty pageant, pumasa si Jamie sa isang Hollywood audition for a major TV network in the US pero ito’y kanyang isinantabi para sa isa pa niyang pangarap, ang magiging isang beauty title holder.
Nag-pay off naman ang ginawang sakripisyo ni Jamie sa kanyang Hollywood dream dahil natupad naman niya ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen. Ang korona ay ipinasa sa kanya ng 2013 Miss Earth na si Alyz Henrich ng Valenzuela last Saturday (Nov. 29) na ginanap sa U.P. Theater ng Diliman, Quezon City.
Si Jamie ay estudyante ng International Academy of Film and Television sa Mactan, Cebu na pansamantala niyang iiwan para gampanan ang kanyang bagong role.
- Latest