^

PSN Showbiz

Isabelle Daza sa paglipat sa ABS-CBN: Laging may kokontra

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Alam ni Isabelle Daza na kaakibat ng kanyang pag-alis sa GMA-7 at paglipat sa ABS-CBN ay marami ang magagalit sa kanya.

Sinabi ni Isabelle na hindi niya pinapansin ang mga bumabatikos sa pagtahak niya ng bagong landas.

“There will always be haters. Kahit anong i-post mo, may kokontra. I think you just have to deal with it,” wika ng 26-anyos na aktres sa kanyang panayam sa “The Buzz” kahapon.

BASAHIN: Iza, Isabelle at iba pang artista nakipagsiksikan para sa autograph at selfie kina Maria Sharapova at Andy Murray

“And one thing I learned from being in this industry, you can’t have all this love without any hate. It’s just a part of like. Shake it off.”

Nilinaw din niya na sa halos apat na taon niya sa "Eat Bulaga" ay wala siyang kontrata.

“I didn’t have a contract but I was working there regularly for four years,” paliwanag ng anak ng 1969 Miss Universe Gloria Diaz.

“I think I (told) my co-workers na I was being offered with ABS-CBN and I was asking them what they think. Syempre, komportable na ako sa other network, sa 'Eat Bulaga.’ And every day may trabaho ako. Syempre, they were like family to me.”

Aminado si Isabelle na hindi madali ang pag-alis niya ng Eat Bulaga, ngunit kailangan aniya tutukan ang pag-arte matapos maging host sa noontime show.

“Syempre in ABS-CBN ang daming magaganda na actresses, singers, dancers so I want to challenge myself also,” wika niya.

Makakasama ni Isabelle si Gerald Anderson sa soap opera na “Nathaniel” na eere sa susunod na taon.
 

ALAM

AMINADO

ANDY MURRAY

EAT BULAGA

GERALD ANDERSON

ISABELLE

ISABELLE DAZA

MARIA SHARAPOVA

MISS UNIVERSE GLORIA DIAZ

SYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with