Iza, Isabelle at iba pang artista nakipagsiksikan para sa autograph at selfie kina Maria Sharapova at Andy Murray
MANILA, Philippines – Ay nakaalis na pala ng Maynila ang World’s No. 2 Tennis Player na si Maria Sharapova, isa sa tennis superstars na dumating sa bansa para sa ginanap na first leg ng International Premier Tennis League (ITPL) sa MOA Arena last weekend. Si Maria ang sobra-sobrang tinilian at talagang minahal agad ng Pinoy fans na gumastos (‘yung iba ay naghintay lang sa labas) para masilayan ang tennis superstar.
Kaya naman sa kanyang Facebook account nagpasalamat ang Russian tennis superstar na si Maria sa mainit na pagtanggap sa kanya. “Manila, thank you for the incredible welcome into your country. You made me feel like a rockstar!”
Bukod kasi sa pagiging no. 2, ang ganda talaga ni Maria at kilala siyang fashionista kaya na-in love talaga sa kanya ang mga Pinoy kahit na tuwing naglalaro ay hindi talaga siya ngumingiti.
Sadly lang nang manood kami last Saturday, natalo si Maria sa mixed doubles with another tennis superstar Andy Murray kina Grand Slam winners Rohan Bopanna and Sania Mirza (Indian Aces). Hindi raw siya naglalaro ng doubles. “I only played doubles when I was younger. It was my first time to play with Andy so that was a lot of fun. It’s always nice when two singles players come together to do something out there especially against players that are very good at doubles and have won Grand Slam titles,” sabi niya after the game sa mga sports writer na nagko-cover ng event. Magkasama sila ni Andy sa Manila Mavericks team.
Hindi rin nakalusot si Maria sa no. 5 top player na si Ana Ivanovic (Indian Aces). Pero last Friday ay nanalo si Maria against Kristina Mladenovic (UAE Royals). Ang isa pang team ay Singapore Slammers.
Pero kahit hindi nanalo si Maria, siya pa rin talaga ang dinayo ng fans. In fairness ang dami na palang fans ng tennis dito sa atin.
Nangako si Maria na babalik ng bansa next year. “I’ve had an amazing time. It’s amazing country with really beautiful, beautiful people. I think it’s the most generous country I’ve ever been in. Everyone made my trip fantastic and I hope I’d be back next year,” sabi niya pa sa mga interview right after the game.
Kasama nina Maria and Andy sa Manila Mavericks team ang kababayan nating si Treat Huey na naglaro sa doubles kakampi ang no. 12 sa ATP Rankings na si Jo-Wilfred Tsonga.
At kasama sa mga nakikigulo at nagpapa-autograph ang ilang local celebrities like Iza Calzado and Isabelle Daza na nakita namin na nakikipagsiksikan sa fans na pagkakatapos ng set ay nagpapa-autograph at nakiki-selfie.
Nasa crowd din sina Marvin Agustin, Atty. Lorna Kapunan na panay din ang pa-selfie, si Sen. Manny Villar, ang boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, Ms. Tootsy Angara, among others.
Kakaibang experience din pala ang manood ng live ng tennis matches kesa ‘yung sa TV lang. Ang PLDT Home ang isa sa major sponsors ng nasabing one in a lifetime games sa bansa.
Sana nga bumalik next year si Maria na ala-fashion model talaga.
ABS-CBN Chairman Gabby Lopez III pinarangalan ng tanglaw ng araw
Pinarangalan ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III ng kauna-unahang Tanglaw ng Araw award sa 9th Araw Values Awards kamakailan dahil sa pagiging magandang ehemplo at tagapagtaguyod ng Filipino values o kagandahang asal. Nanalo rin ng lima pang awards ang Kapamilya Network.
Mahigit isang dekada nang tahanan ng Araw Values Advertising Awards ang ABS-CBN. “Nang magsimula ang Araw Values Awards noong 2000, lubos na ang aming suporta dito dahil naniniwala rin ang Kapamilya network sa vision-mision nito na ipalaganap ang kahalagahan ng Filipino values,” saad ni Lopez sa kanyang acceptance speech noong awarding ceremony na ginanap sa Dolphy Theater.
Bukod sa natanggap na pagkilala ni Lopez mula nasabing award-giving body, nagkamit din ng limang awards ang ABS-CBN—dalawang Bronze at tatlong Silver awards, kung saan ang apat ay mula sa Advocacy Communications at isa sa Branded Communications.
Samantala, ibinahagi ng presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo-Santos Concio sa kanyang panimulang mensahe na ipinagmamalaki niya ang pagiging bahagi ng isang industriya na bagama’t magkakalaban ay nagkakaisa pagdating sa mga makabuluhang gawain.
“Ang dami pang dapat gawin. Ang dami pang mga batang kailangang pakainin, mga ilog na dapat linisin, mga lugar na kailangan ayusin, mga taong may sakit na kailangan pagalingin, mga pamilyang kailangang pagtibayin at kurapsyon na kailangan puksain. Nawa’y lagi tayong patnubayan ng Diyos sa paggamit ng creativity at ng power ng media na pinagkaloob Niya sa atin,” pahayag ni Santos-Concio.
Christmas Cartoon Festival ng GMA simula na
May sorpresang nag-aabang para sa mga bata dahil ngayong Lunes (Disyembre 1) magsisimula na ang Christmas Cartoon Festival Presents tampok ang mga kwentong tiyak na kagigiliwan ng lahat.
Ngayong Lunes, mapapanood ang Molly and the Christmas Monster
Pagdating ng Martes at Miyerkules, tunghayan ang Blinky Bill’s White Christmas.
Istorya naman ng paglalakbay nina Mary at Joseph sa Bethlehem at ang kapanganakan ni Hesus ang mapapanood pagdating ng Huwebes (Disyembre 4) sa The Christmas Storykeepers.
Abangan naman ang caroling ng mga makukulit na daga sa Mole’s Christmas na mapapanood pagsapit ng Biyernes (Disyembre 5).
Ilan lamang ang mga ito sa mga cartoon specials na siguradong susubaybayan ng lahat. Abangan rin ang iba pang mga istorya tulad ng Noddy Saves Christmas, Postman Pat: Magical Christmas, A Snow White Christmas, The Forgotten Toys, The Crippled Lamb, Smurfs Christmas Specials, Casper’s Haunted Christmas, He-Man and She-Ra Christmas Special, Frosty The Snowman, and Rudolph the Red Nosed Reindeer mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Ghost Fighter sa GMA-7.
- Latest