^

PSN Showbiz

Korina pahinga muna sa pagbabalita!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pahinga muna si Ms. Korina Sanchez sa TV Patrol at sa lahat ng news related work niya sa ABS-CBN. Ito ay matapos mag-file ng temporary leave of absence ang multi-awarded broadcaster na misis ni Sec. Mar Roxas for next year. Ayon sa press statement ng kampo ni Mrs. Roxas, tatlong buwan ang ni-request ni Ms. Korina - simula Enero 2015 hanggang Marso 2015, at ito umano ay dahil sa kailangan niyang mag-concentrate sa isang importanteng proyekto para sa kanyang pag-aaral sa abroad. Kasalukuyan palang nag-aaral si Korina ng Master of Arts in Journalism sa Ateneo de Manila University at nag-aapply din siya ng simultaneous course sa London School of Economics kung saan kailangan niyang bumiyahe sa Europe.

“I’ve talked about this with network management since middle of last year. The bosses were all for it. My advanced studies have taken the backseat for too long and if I don’t do this now, I may never.  Kaya nga pinagsasabay-sabay ko na. It’s not easy but I’m optimistic I can do this,” ayon sa ipinadalang statement ni Chuck Gomez, publicist ni Ms. Koring.

Kinumpirma naman ng business manager ni Korina na si Girlie Rodis na nag-file nga sila ng leave of absence para sa katapusan ng taong ito pero baka raw mapaaga pa ito depende sa travel plans ni Koring para sa bakasyon sa Pasko. “I encouraged Korina to do this because education is important at any stage of one’s life. And she’s been planning this for so long. I’m happy she finally decided to take this seriously,” ayon kay Ms. Rodis.

Nakasaad pa sa nasabing statement na kinumpirma ni ABS-CBN News Head Ging Reyes ang leave of absence request ni Korina. “Yes it is a leave of absence of three months which management has granted to Korina. The company values higher education as it is always a plus among our ranks. Many in our stable have also taken leaves of absence to pursue further studies. When they come back, there is always better output. We wish Korina the best,” pahayag ni Ms. Reyes na nakasaad sa statement.

Habang on leave si Sanchez mula sa kanyang daily live newscast, ipagpapatuloy pa rin naman daw niya ang kanyang weekly magazine program na Rated K at ang kanyang occasional, award-winning interview show na Up Close and Personal sa ANC. Pero babalik naman daw si Korina para sa news coverage ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa ngayong Enero 2015. Maraming taon nang kinokober ni Korina ang Vatican at sinundan at tinutukan niya ang Papacy ni Pope Francis mula nang siya ay maupo sa pagka-Santo Papa.

Bago ang confirmation mula sa kampo ni Mrs. Roxas ng kanyang leave of absence, may mga lumutang na isyu na pinagbabakasyon si Ms. Koring dahil umano sa conflict sa trabaho ng kanyang hubby sa gobyerno na maugong na tatakbong presidente sa 2016. Pero sinabi raw ni Ms. Koring na bakit naman si Kris Aquino tuloy ang trabaho samantalang presidente si P-Noy. Pero ang sabi naman daw ng ma­nagement hindi naman nagbabalita si Ms. Krissy.

Pero mag-aaral naman pala si Ms. Koring. Abangan na lang natin siya sa Marso kung babalik siya o tuluyan nang gagampanan ang kanyang pagiging misis kay Sec. Roxas.

Ngayon pa lang kasi nag-iikot na siya bitbit ang mga tsinelas na ipinamimigay sa mga batang pudpod na ang tsinelas sa  iba’t ibang sulok ng ‘Pinas. At wala man siyang social media account, ang manager (GR) and publicist (CG) ang nag-a-upload ng activities niya kaya visible siya sa netizens.

Doon sila nagkaiba ni Ms. Karen Davila na super active sa photo sharing site na Instagram. Lahat ng activities niya pati bahay at damit sini-share niya sa IG (instagram). Eh ang mga amiga pa naman niya (Karen) mga pulitiko at mga sosyalera. Kababalik nga lang niya ng bansa kung saan siya nag-attend ng crash course sa Yale University.

Ay wait si Ms. Koring nga pala ang main subject dito.

Sharon hindi pa rin nakaka-recover sa pagkamatay ni Mommy Elaine

Nagluluksa pa rin si Megastar Sharon Cuneta sa pagkawala ng kanyang mo­mmy na si Mrs. Elaine Cuneta. Kagabi ay nagparamdam siya sa Facebook at nanghihingi ng paumanhin dahil sa hindi niya pag-reply sa messages ng pakikiramay at pangungumusta.

“I am so sorry that I do not visit my pa­ges and have not read nor replied to most if not all text messages on my phone, and my emails. Thank you for understanding how hard it still is to cope with the events that have transpired within this, the most horrible year of my life so far...

All I hold on to now is knowing that God is good...

I love and appreciate you all...

Thank you so much again...

God bless you...”

Cheer up Mega. Kaya mo ‘yan.

KANYANG

KORINA

MRS. ROXAS

MS. KORING

NAMAN

NIYA

PERO

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with