^

PSN Showbiz

Dahil sa relasyon, Vic ayaw gawing leading lady si Pauleen

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung ginusto ni Vic Sotto, puwede niyang ga­wing leading lady in one of the three episodes ng My Big Bossing si Pauleen Luna. Pero hindi niya ito ginawa dahil sa kanilang relasyon.

Kontrabida ang role ni Pauleen sa Sirena episode.

Sinabi ni Vic na pagdating sa trabaho, pantay-pantay ang treatment niya sa lahat. Iba umano ang personal sa professional pero itinuturing niyang “lucky charm” si Pauleen sa pelikula at sa buhay niya.

Sandara nagbalik-bayan para sa kasal ni Joross

Ngayong araw ang kasal ni Joross Gamboa sa karelasyong si Katz sa Fernbrook Gardens sa Alabang, Muntinlupa with John Lloyd Cruz as one of the Best Men. Hindi kami sigurado kung part ng wedding entourage si Sandara Park na balik-Pilipinas para dumalo sa kasal ng ka-batchmate sa Star Circle Quest kung saan ang nanalong pair sa batch na ‘yon ay sina Sandara at Hero Angeles. While Sandara is now a big star sa kanyang bansa, ang Korea, si Hero naman ay parang bulang nawala sa showbiz.

Matagal nang live-in sina Joross at Katz pero ngayon pa lamang sila magpapakasal.

Marian sandali lang magbabakasyon pagkakasal

Nakapag-advance taping na si Marian Rivera sa kanyang weekly dance show na Marian na magtatapos sa buwan ng Disyembre. Gusto kasi ni Marian na liban sa kanyang pagtulong sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na My Big Bossing ay makapag-focus na siya sa grand wedding nila ni Dingdong Dantes on December 30.

Parehong may entry sa MMFF ang dalawa, si Dingdong sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 at si Marian naman sa My Big Bossing.  Balak din nila pareho na lumahok sa parada ng mga artista on December 23.

Hindi klinaro ni Marian kung ilang buwan siyang magbabakasyon sa trabaho pagkatapos ng wedding nila. Since pareho naman silang may trabaho ni Dingdong, malamang daw na hindi ito magtagal dahil kailangan naman nilang harapin ang kaniilang respective career after the wedding.

Ang bida ng My Big Bossing at leading man ni Marian sa Taktak episode na si Vic Sotto ay isa sa mga tatayong principal sponsors nila.

Nagsama na rin noon sina Bossing (Vic) at Marian sa isang franchise ng Enteng Kabisote.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BEST MEN

DINGDONG DANTES

ENTENG KABISOTE

FERNBROOK GARDENS

HERO ANGELES

MARIAN

MY BIG BOSSING

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with