Vic wala nang gustong patunayan, libangan na lang ang MMFF
Sa kabila ng kanyang busy schedule sa paghahanda sa kanyang nalalapit na pakikipag-isang-dibdib sa kanyang fiancé na si Dingdong Dantes on December 30 sa Immaculate Concepcion Church sa Cubao, Quezon City, nakuha pa rin ng bride-to-be na si Marian Rivera na dumalo sa general presscon ng My Big Bossing, isang three-in-one movie na pinagbibidahan ng TV host-comedian at producer na si Vic Sotto at ng child superstar na si Ryzza Mae Dizon at isa sa mga kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival. Si Marian ay siyang leading-lady ni Bossing (Vic) sa Taktak episode na pinamahalaan ng My Little Bossings box office director na si Marlon Rivera. Ang dalawa pang episode ay ang Sirena na dinirek ni Tony Y. Reyes at ang Prinsesa episode na dinirek naman ni Bb. Joyce Bernal.
Ang My Big Bossing bale ang kauna-unahang MMFF trilogy movie na ginawa ni Bossing.
“All these years ay nariyan ang patuloy na suporta at pagtangkilik ng mga manonood sa mga pelikula namin kaya taun-taon ay gusto naming ibalik sa kanila ang kakaibang entertainment laluna para sa mga bata at pamilya,” pahayag ni Bossing Vic.
All praises ang mga katrabaho ni Bossing at kasama na rito si Direk Joyce Bernal na first time naidirek ang MMFF box office king.
Noong isang taon pa sana ididirek ni Direk Joyce si Bossing sa My Little Bossings pero nagkataon naman na meron na siyang isa pang MMFF entry, ang award-winning movie ni Robin Padilla na 10,000 Hours kaya napunta ang pagididek ng My Little Bossings sa first-time mainstream director na si Marlon Rivera na luckily ang siyang nanguna sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Bagama’t wala siyang kailangang patunayan sa pagiging box office king, naniniwala pa rin si Bossing Vic na iba ang naihahatid nilang saya pag may kasali silang pelikula sa taunang MMFF.
- Latest