^

PSN Showbiz

Alden pinuri-puri sa Vietnam!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa ang fans ni Alden Richards dahil tinawag siya na “Di?n viên n?i ti?ng c?a” ng www.ngoisao.net, isang entertainment website sa Vietnam.

“Philippine Famous Actor” ang English translation ng “Di?n viên n?i ti?ng c?a”.

Napansin si Alden sa Vietnam nang dumalo siya sa opening night ng Hanoi International Film Festival noong November 23 dahil siya ang nag-represent sa ating bansa.

Isa si Alden sa mga bida ng Kinabukasan, ang pelikula na tinatampukan nila ni Nora Aunor at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Nominado ang Kinabukasan sa short film category ng HIFF.

Malaking karangalan para kay Alden na nakatrabaho niya sa isang pelikula si Nora.

Epitome ng perfect acting ang description ni Alden kay Nora dahil natural na natural ang pag-arte nito.

Kakaiba raw si Nora dahil nanggagaling sa puso ang mga linya nito. Ipinagmamalaki ni Alden na nadagdagan ang kanyang self-confidence dahil nagkasama sila ni Nora sa isang project.

Big blessing din para kay Alden ang pagrampa niya sa red carpet ng international film festival na pinuntahan nila ni Adolf.

“It’s such a blessing to experience attending this film festival. I was able to meet the stars and director from different countries at paniguradong isa ito sa highlights ng aking career  bilang isang aktor. The experience inspires me to do more and be the best that I can be,” ang masaya na pahayag ni Alden na regular na napapanood sa Bet ng Bayan at Sunday All Stars ng GMA-7.

Iya malabong palitan si Pia sa 24 Oras

Maliban sa pagiging mainstay ng Sunday All Stars, hindi pa masabi ni Iya Villania ang mga project niya sa pagbabalik-GMA-7 niya.

Si Iya ang celebrity endorser ng RedoxFat Slimming Capsules ng ATC Healthcare.

Ang mga next project niya sa Kapuso Network ang inusisa kay Iya ng mga reporter sa press launch ng mga produkto ng ATC Healthcare sa isang five-star hotel noong Martes.

Kumalat ang balita na si Iya ang ipapalit kay Pia Guanio bilang anchor ng showbiz news segment ng 24 Oras.

Hindi totoo ang tsismis dahil hindi naman mawawala si Pia sa early primetime newscast nina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales.

Puwedeng maging substitute o re­liever si Iya ni Pia kapag may mga moment na hindi ito makakasipot sa news program ng Kapuso Network.

Selebrasyon ng kapaskuhan back to normal na

Nakatanggap na ako ng imbitasyon para sa mga Christmas party ng TV5 at GMA-7.

Back to normal ang lahat at hindi kagaya noong nakaraang taon na kanselado ang mga Christmas party ng maraming kompanya bilang simpatiya sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.

In fairness sa GMA-7, nag-treat sila ng lunch sa entertainment press noong nakaraang taon pero wala ang the usual raffle draw at parlor games.

Imbes na Christmas party na magarbo, nagbigay ang GMA-7 ng malaking donasyon sa Yolanda sa pamamagitan ng Kapuso Foundation.

‘Yung ibang kompanya naman, ginamit na dahilan ang Typhoon Yolanda para makaiwas sa gastos.

Kiyeme-kiyeme na nag-donate sila sa mga biktima ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo pero ang totoo, pinairal nila ang  kakuriputan. Nagtipid na nga, kumita pa sila.

Minsan lang sa isang taon ang mga Christmas party na hindi dapat ipinagkakait sa loyal employees!

Kung gusto ng mga bossing ng mga kompanya na mag-donate, magbigay sila pero huwag nilang tanggalan ng karapatan na maging masaya ang kanilang mga empleyado. Batu-bato sa langit, ang tamaan, huwag magalit!

AACUTE

ALDEN

IYA

KAPUSO NETWORK

NORA

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with