^

PSN Showbiz

Pagalingan ng Chef Boylet tuloy sa Every Day…

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umpisa na naman ng paghahanap ng Chef Boylet Daily Winners at ang mga unang sasalang sa masayang lutuan... ang Chef Boylet ng Pasay City, 10-year-old Kyllhr Nunez laban sa Chef Boylet ng Project 6 QC, 10-year-old din na si Vincent Abenoja!  Alin kaya ang mas aangat ang lasa...ang Paksiw with a twist ni Kyllhr o ang Ginataang Alimasag ni Vincent? Alamin mula sa judges na sina Chef Boy Logro, Chef Donita Rose, and guest celebrity judge Winwyn Marquez ngayong Martes sa Basta Every Day Happy!!! 

Ano ang mas bet ng panlasa mo – Spanish-inspired Dish o Original Ilonggo na ulam?

Ngayong Miyerkules naman, tutukan ang isa na namang mainit na labanan ng dalawang young aspiring chefs sa Chef boylet ng show.

Kilalanin sina Edryan, ang 10-year old dancing cook ng Binangonan at John Vincent, ang biriterong kusinero ng Quezon City. Tikman ang dalawang pasiklab na putaheng ihahanda nila… si Edryan gagawa ng classic Ilonggo soup dish na Lauyang Pata with Langka at Kadios! Habang si John Vincent naman, ang paboritong Spanish recipe ng Arroz Valenciana ang ipapasikat!

Siguradong mabubusog kayo sa cuteness ngayong Miyerkules, dahil bibisita rin ang Kapuso actor na si Benjamin Alves para samahan ang ating board of judges sa pagpili kung sino ang magiging Chef boylet of the day!

Tutukan ang masarap na umaga ng happy-happy kasama sina Donita, Alex, Gladys, at Chef Boy dito lang sa Basta Every Day Happy araw-araw sa GMA 7.

ARROZ VALENCIANA

BASTA EVERY DAY HAPPY

BENJAMIN ALVES

CHEF

CHEF BOY

CHEF BOY LOGRO

CHEF BOYLET

CHEF BOYLET DAILY WINNERS

CHEF DONITA ROSE

JOHN VINCENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with