Parang nagli-live in na Aljur at Louise namimili ng mga gamit sa bahay
MANILA, Philippines – Spotted na nagsa-shopping sa isang Lifestyle Store ang jobless actor na si Aljur Abrenica with not so young Kapuso actress na si Louise delos Reyes.
Panay ang tanong nila sa presyo ng mattress, book shelf at kung anu-ano pang home accessories.
Actually, kung hindi ko pa narinig ang boses ni Aljur hindi ko makikilala. Hahaha. Medyo payat kasi siya at wala na ‘yung parang star aura niya. Sorry to say, kahit nga si Louise, hindi naman star na star ang dating.
Malamang na nasobrahan ng work out si Aljur since wala nga siyang ginagawa kaya siya pumayat na.
Teka baka naman nagli-live in sila kaya magkasama silang namimili ng mga gamit sa bahay? Or baka naman nagmamalisya lang ako.
Ang relasyon ba kay Aljur ang rason kaya wala na ring trabaho si Louise sa GMA?
May balbas na rin si Aljur at ramdam mo na hindi nga busy ang hitsura niya. Just kidding. Hahaha.
Matagal-tagal na ang sinasabing relasyon nila pero wala silang inaamin officially.
Sorry ‘di ko na maalala ang huling show na pinagsamahan nila bago pa ‘nasulsulan’ si Aljur na idemanda ang network na nagbigay sa kanya ng career. Kaya ayan, nganga ang career niya.
Giselle high na high sa pagkapanalo ng nanay ni Justin Bieber
Nanalong NetPac best short film sa katatapos na Quezon City Filmfest ang pelikulang pinagbibidahan ng komedyanang si Giselle Sanchez, may pamagat na Ang Nanay ni Justin Bieber. Kaya naman on a high right now daw si Giselle.
Ang kanilang producer/writer/director na si Victor Villanueva ang tumanggap ng award. “We are thankful to the jurors and the QC Filmfest body. Miss Giselle is not here to join us since she has a previous commitment but she will be very happy to hear that our film won.”
Kasalukuyang nasa kanyang comedy concert sa Cannes, France si Giselle para sa last leg ng kanyang world tour.
This year alone, sampung cities sa U.K., five cities sa U.S. at two cities in Asia na ang napuntahan ni Giselle para aliwin ang mga kababayan natin naghahanap-buhay sa ibang bansa.
“ I have always done support in movies and to have been chosen to portray the title role is already an award for me. But to win the best pic is still overwhelming and I still have to process it in my mind. I would like to thank the jurors who are internationally acclaimed filmmakers for choosing a comedy flick to win the best short film,” sabi ni Giselle nang makausap siya ng isang taga-Viva na nagha-handle ng career niya sa kasalukuyan.
Kamakailan lang ginanap ang Quezon City Film Festival sa pangunguna nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.
- Latest