Hottest loveteams hahataw sa ASAP
MANILA, Philippines – Ihahatid ng ABS-CBN ang mga pinaka-nakakabilib na knock-out performances ngayong Linggo (Nobyembre 23) sa ASAP 19 kasama ang pinaka the best at brightest Kapamilya Stars.
Aapaw ang kilig ngayong linggo kasama ang pinakamainit at trending love teams nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, James Reid at Nadine Lustre, Enrique Gil at Liza Soberano, Janella Salvador at Marlo Mortel, at Kim Chiu at Xian Lim.
Hindi naman papahuli sa maka-tindig balahibong musical performance sina Sarah Geronimo, Bamboo, Toni Gonzaga, at Charice. Samantala, world-class talent at ultimate concert experience naman ang masasaksihan mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Vina Morales, at Lani Misalucha.
Walang tigil ang selebrasyon sa ASAP center stage sa naiibang sorpresa ng Teen Domination kasama ang Gimme 5, Nash Aguash, Alexa Ilacad, Sharlene San Pedro, Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, Bugoy Carino, Xyriel Manabat, Inigo Pascual, Sofia Andres,Joshua Garcia at Loisa Andalio
- Latest