Kahit ‘di nabigyan ng de kalibreng show, Isabelle yumaman daw sa GMA!
MANILA, Philippines – Pormal nang nagpaalam si Isabelle Daza sa Eat Bulaga kahapon. Sa Monday ay pipirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.
Ang mommy niyang si ex-Miss Universe Gloria Diaz ang unang nag-confirm na mangingibang channel nga ang anak na TV host/actress.
Kahapon ay nag-post si Isabelle ng pasasalamat sa Eat Bulaga na naging tahanan niya for three years.
Just wanted to say thank you for an amazing 3 and a half years. It’s been such a wonderful journey growing with Eat Bulaga and I will treasure this my whole life.
You guys have welcomed me and made me feel part of your family. Thank you for the constructive criticism and putting up with my singing and dancing and always pushing me to do my best.
This show has taught me so much. I’m so lucky to have gotten the chance to get to know you all. It brings me great sadness to say goodbye, but you will always have a place in my heart.
Forever Eat Bulaga!
Ayon sa isang source, hindi man nabigyan ng challenging role sa GMA si Isabelle, yumaman naman daw ito. Guaranteed ang contract niya sa GMA kaya kahit wala siyang trabaho, sumuwuweldo siya.
Guaranteed contract din daw ang pipirmahan niya sa ABS-CBN.
Cristine puro matatamis ang nilalantakan, nakabuntis overwhelmed sa mga pangyayari
Naku mukhang tataba nang husto ni Cristine Reyes. Sa kanyang mga Instagram post, puro matatamis na pagkain ang nilalantakan niya. Merong pancake, scramble, halo-halo, meron pang mga pasta, pizza at iba pa.
Normal maging matakaw sa nagbubuntis, pero ang kalaban niya ay ang paglaki ng katawan lalo na kung matatamis ang pinagdidiskitahan niya.
Kahapon ay nag-post si Cristine ng 3D image ng kanyang nasa tummy at ang caption niya ay mana raw sa ama na camera shy dahil parang nagtatago ang baby.
Walang naiwang trabaho o serye si Cristine kaya walang istorbo sa kanyang pagbubuntis.
Anyway, nagpa-interview pala ang ama ng magiging anak ni Cristine na si Ali Khatibi.
Overwhelmed pa raw siya sa mga pangyayari sa kanila. “I knew there was gonna be some buzz but I never expected it to be like this. It’s overwhelming.
“Cristine obviously knows how to deal with this, but me, I’m still overwhelmed,” sabi niya sa Large ng Sports Channel.
Nagsimula raw ang lahat sa kanila nang ipakilala sila sa isa’t isa ng common friends nila.
“We were with some common friends when I met her, then she told me she has always wanted to train in jiu-jitsu, so I invited her over to our gym.
“To my surprise, she actually showed up,” sabi niya sa artikulo ng Large na lumabas din sa GMA.com.
Nakalagay din sa naturang article na Universal Reality Combat Championship Flyweight champion at accomplished Brazilian Jiu-Jitsu purple belt ang karelasyon ng actress.
- Latest