^

PSN Showbiz

Kim matigas pa rin ang puso kina Gerald at Maja

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nakakaintindi sa ginawa ni  Kim Chiu na pagpapatawad sa kanyang ama sa ginawa nitong pang-iiwan  sa kanilang ina at sa ka­nilang magkakapatid. Totoo ang sinabi niya na baka may mga dahilan ito sa kanyang ginawa na hindi nila  batid na magkakapatid. At para maka-move on na siya ng tuluyan sa mga ne­ga­tibong isyu na sa halip na mag­pa­saya sa kanya ay nagbibigay pa ng ka­lungkutan sa  bu­hay nila ay unti-unti na niyang pinag-aaralan  ang  magpatawad.

Pero ang hanggang ngayon ay hindi ma­in­tin­dihan  ng tao  kung ba­kit hindi pa niya ma­ga­­wang matanggap bilang kaibigan ang ex niyang si Gerald Anderson at ang ipinalit nito sa kanyang girlfriend na si Maja Salvador. Sinasabi niyang napatawad na niya ang dalawa, pero talaga bang sa kaibuturan ng kanyang puso ay naniniwala siyang may kasalanan  ang dalawa sa kanya?

Sabi ng fans nila ni Gerald ay gusto nilang maintindihan ang naramdaman niya dahil bff niya ang ipinalit ng ex niya sa kanya, pero dapat daw ay matanggap niya na matagal na silang wala nang magkaro’n ng relasyon ang dalawa.

Dapat ay maintindihan  niya rin  kung kaya hindi sila naging open sa mga feeling nila sa kanya ay dahil na rin sa kanya. Isinaalang-alang nila ang kanyang damdamin. But their love was too strong para isakripisyo nila dahil lang baka hindi niya  matanggap ang lahat ng tulad nga ng nangyari.

Matagal na ‘yun at para siya maka-move on, dapat ay kalimutan na niya ang lahat. Tutal sabi niya ay nakapagpatawad na siya, napatawad na niya ang dalawa.

Parade launch ng LGBT tuloy na tuloy na

Mayroon nang pagkakapantay-pantay ang mga bumu­buo ng LGBT community tulad ng mga lesbians o tomboy, gays o bakla o ‘yung mga bi­sexual at  transgender sa mga straight na mga mamamayan sa Lungsod ng Quezon. Hinihintay na lamang para mapirmahan, at maisabatas ang isang resolus­yon na magbibigay sa mga LGBT ng equa­lity o pagkakapantay-pantay na pagtrato na tulad ng ipinagkakaloob sa mga straight o normal na tao.

Bilang pagdiriwang sa matatanggap ni­lang e­qua­lity, magsasama-sama sa kau­na-unahang pag­kakataon sa isang Pride March ang mga LGBT, na su­portado ng Quezon City Go­vern­ment at Quezon City Pride Council, sa De­cem­ber 13, 2014, 3:30 p.m. Magsisimula ang parada sa Tomas Morato na dadaan ng Timog Ave., Edsa, East Ave., Matalino St, Kalayaan Ave. at magtatapos sa Quezon Memorial Circle na kung saan isang programa ang naghihintay sa lahat.

Ang parada ay bubuuin  ng mga LGBT community  at maging ng mga straight  na  inaasahang na­ka­bihis ng makukulay na costumes. May mga ka­sali ring floats na magpapasiklaban sa ganda

Kasabay sa pagdiriwang ng LGBT community ay  ang selebrasyon din ng ika-75th Jubilee Anniversary ng QC at ang World Aids Day.

EAST AVE

GERALD ANDERSON

JUBILEE ANNIVERSARY

KALAYAAN AVE

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with