BF ni Mommy D. tagabitbit lang ng bag sa Macau!
MANILA, Philippines -Wow kasama ni Mommy Dionisia tagabitbit sa Macau ang mas batang boyfriend niya. Nakikita sa TV na nakaalalay sa kanya ang nasabing BF na parang tagadala pa ng kanyang bag.
Ipagdasal natin ang panalo ni Manny Pacquiao. Intimidating ang hitsura ng kalaban niyang si Chris Algieri. Ang guwapo kasi at artistahin ang dating.
Nakakakaba dahil oras na maabutan ng lucky punch ni Algieri si Pacman tiyak na mapagbubuntunan ng sisi ay ang dyowa ni Mommy D.
Pero ang nakakaloka, hindi man lang binabanggit ang pangalan ng BF ni Mommy D sa mga TV report.
Pops at Martin malihim sa kani-kanilang karelasyon
Parehong malihim sa kanilang lovelife ang dating mag-asawang Martin Nievera and Pops Fernandez.
Kahit anong usisa mo sa kanila, meron lang ang sagot nila pero wala nang dagdag kung sino ‘yun.
May bali-balitang government official daw ang current ni Pops, pero wala siyang sinasabi. Maging si Martin ay hirap ding magkuwento tungkol sa kanyang GF.
Kahapon ay magkasama silang nakipagtsikahan sa ilang entertainment press para sa reunion concert ng Penthouse Live… na nagpasikat sa kanila umpisa noong 1982. Ang Penthouse Live ay late-night variety show kung saan unang napanood sina Regine Velasquez, Gary Valenciano at marami pang iba.
Napanood ito noon sa GMA Network at dinirek ni Fritz Ynfante na nagpasikat nga sa kanila lalo na nung magkainlaban na sila at nagpakasal. Sinubaybayan noon ang real-life drama nila sa programa.
Four years later, ikinasal sila.
Pero umabot lang ng 13 years ang kanilang pagsasama. Nagkaroon sila ng dalawang lalaking anak, sina Robin and Ram na may kanya-kanya na ring career sa music .
Halos limang taon din ang nasabing programa hanggang lumipat sila ng channel at maging Martin and Pops Together na ito.
At ngayon nga muli silang magsasama sa The Penthouse…Live Reunion concert sa PICC Plenary Hall on December 12, 8:00 p.m.
At this year, 16 years na silang hiwalay pero may ilan pa ring umaasa na sana ay magkabalikan sila bilang mag-asawa.
Anyway, nabanggit nga pala ni Pops na mas masaya siya sa ginagawa niya ngayong pagpo-produce-produce ng concerts.
Tama na raw ‘yun sa kanya. “I’m happy with what I’m doing now,” sabi niya kaya maraming offer na teleserye na siyang ni-reject.
Besides, batang-bata siya nang magsimula sa showbiz kaya hindi niya raw na-enjoy ang kanyang buhay noon. At least daw ngayon may time na siya sa sarili lalo na nga’t malalaki na ang anak nila at siya ay balita ngang masaya sa kasalukuyan ang lovelife.
Dahil nga siguro at peace, maganda pa rin si Pops.
Star studded party ni Tita Malou
Star Studded na naman ang ginanap na birthday celebration ni Tita Malou Choa Fagar, ang big boss ng Eat Bulaga na ginanap sa Valencia place na pag-aari ni Mother Lily Monteverde. Pinangunahan ang mga bisita nina Sen. Grace Poe, Susan Roces, Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Joey de Leon, Pia Guanio, Isabelle Daza, Ali Sotto, at marami pang iba. Perfect ang nasabing place ni Mother Lily Monteverde sa nasabing party ni Tita Malou.
Happy birthday Tita Malou…
Star columnist na SI Wilson Lee Flores speaker sa tatlong conference
Inimbitahang maging guest speaker ang kolumnista sa Philippine Star, guro sa kolehiyo, entrepreneur, at may-ari ng Kamuning Bakery na si Wilson Lee Flores sa tatlong mga business conference: Entrepreneurship Educators Training kahapon, Nobyembre 21 (Biyernes) 2:00 p.m. sa University Hotel ng University of the Philippines (UP), Diliman Quezon City; Philippine SME Negosyo Expo ngayong Nobyembre 22 (Sabado) 10:00 a.m. sa SMX Convention Center, Pasay City at Global Entrepreneurship Week ngayong Nobyembre 22 (Sabado), 2:00 p.m. sa Meralco Multi-purpose Hall, Ortigas Center, Pasig City.
Kamakailan lang ay nanalo si Mr. Lee Flores ng kanyang ika-12 na Catholic Mass Media Awards (CMMA). Nanalo na siya noon ng 2 CMMA Hall of Fame Awards at tatlong Palanca literary awards. Binili rin ni Mr. Lee Flores at binuhay muli ang 75-year-old na artisanal at pugon-style na Kamuning Bakery. Ito ay binigyan rin kamakailan ng pinakamataas na karangalan mula sa Quezon City, ang Manuel L. Quezon Gawad Parangal Award mula kay Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte. Ang Kamuning Bakery sa Judge Jimenez Street corner K-1st Street ay paborito ng mga sikat na celebrities at iba pang mga tao mula pa noong 1939.
- Latest