^

PSN Showbiz

Hindi raw sinusuwerte TV host billions na raw ang utang sa casino

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Shocking, pero hindi na lang daw millions kundi billions na ang utang ng isang ex TV host sa casino ayon sa isang source. Yup, as in multi-billion pesos. “Kalat na kalat na ‘yan,” susog ng kahuntahan ko kahapon.

Malaki raw ang tiwala ng mga pinagkakautangan ni male TV personality na makakabayad ito dahil kilala naman daw itong mayaman at nagbabayad ng utang.

Matagal nang nababalita na may utang ang TV host pero walang nagkukumpirma at wala ring lumalabas na ebidensiya. Tanging base lang sa mga kuwento ng mga insider sa mga hotel casino.

Sorbetero at working student, back-to-back milyonaryo

Bongga ang It’s Showtime. Magkasunod ang nanalo ng P1 milyon sa noontime show ng ABS-CBN - isang amang sorbetero at isang marketing management student sa dalawang magkasunod na araw (Nov 19 at 20) sa jackpot round ng bagong segment nilang Isang Tanong, Isang Milyon.

Ang sorbetero sa Luneta na si Roberto Bulanhagui ang kauna-unahang milyonaryo ng naturang segment noong (Nov 19) matapos niyang mahulaan nang tama ang sagot na “Earth” sa katanungang Ang kontinenteng Antarctica ay sa anong planeta makikita? 

Ayon kay Roberto, bata pa lamang siya ay nagbebenta na siya ng sorbetes, isang kabuha­yang ipinamana na sa kanya ng kanyang ama at lolo. Sa kita niyang P300 kada araw, ipinagkakasya raw niya ang kanilang gastusin sa bahay at pinapag-aral ang kanyang limang anak, na ang isa ay nakapagtapos na ng kolehiyo.

Ipinahayag ni Roberto na gagamitin niya ang kanyang napanalunang kabuuang P1.04 milyon sa pag-aaral ng kanyang mga anak at sa paggamot sa kanyang inang diabetic.

Naging pangalawang milyonaryo naman ng segment ang 27 anyos na si Jobelle Gervacio na kasalukuyang kumukuha ng MBA sa Polytechnic University of the Philippines. Nagwagi si Jobelle matapos ding magbigay ang tamang sagot na “Dina Bonnevie” sa mystery question na “Sinong aktres ang nanay nina Oyo Boy at Danica?”

Ang dali-dali ng mga tanong ha.

I’m sure lahat nang nangangarap at gus­tong maging milyonaryo na tulad nina Roberto at Jobelle. Join na kayo sa auditions ng Isang Milyon, Isang Tanong mula Lunes hanggang Biyernes, ­­   4: 00 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa ABS-CBN Audience Entrance. Magdala lang ng ID at hanapin si Bing Ramos o Danjosh Zacarias.

Multi-awarded broadcast journalist Ed Lingao, kasama na sa Aksyon Tonite

Nakatakda na namang baguhin ng TV5 ang larangan ng newscast sa  buong bansa sa pamamagitan ng pagbabalik telebisyon ng beterano at multi-awar­ded broadcast journalist na si Ed Lingao bilang pinakabagong anchor ng late evening news program ng Kapatid Network, ang Aksyon Tonite. 

Dala-dala ni Ed ang 30 taong karanasan niya sa larangan ng pagbabalita, investigative journalism at pati na rin sa news production, na siyang tuluyang nagbigay daan upang kilalanin siya at makamit niya ang iba’t ibang bigating parangal katulad na lang ng 2010 Marshall Macluhan Award mula sa Canadian Embassy, ang Rotary Club Journalist of the Year noong 2011, at ang Red Cross Humanitarian Award ng 2011.

Kabilang din sa iba pang nakakabilib na nagawa ni Ed sa kanyang karera ay ang mga hindi malilimutang pagbabalita patungkol sa human rights, usaping-pulitika, at pati na rin sa pagbibigay-linaw sa mga balitang may kinalaman sa pagluklok sa mga naging pangulo ng bansa. Kinilala rin si Ed sa kanyang eksklusibong news coverage ng mga digmaan sa iba’t ibang lugar ng bansa,  pati na rin sa ibang panig ng mundo. 

Makakasama niya ang kasalukuyang news anchors ng programa na sina Cheryl Cosim at Jove Francisco sa mas pinalakas at mas pinalawig nilang pagbabalita gabi-gabi, 10:00 p.m. sa TV5.                            

vuukle comment

AKSYON TONITE

AUDIENCE ENTRANCE

ED LINGAO

ISANG

ISANG MILYON

ISANG TANONG

ROBERTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with