Pero hindi pinaniniwalaan Jed Madela todo tangging tinawag na monkey ang mga taga-ASAP!
SEEN: England bound ngayon si Valerie Weigman, ang representative ng Pilipinas sa Miss World 2014 na gaganapin sa December 14 sa ExCel, London.
SCENE: Thirty lamang ang bilang ng entourage ni Chris Algieri nang pumunta ito sa Macau kontra sa mahigit 300 na entourage ni House Representative Manny Pacquiao.
SEEN: Ang last shooting day ng Past Tense ng Star Cinema noong Martes. Natapos ang shooting ng pelikula nina AiAi Delas Alas, Kim Chiu, at Xian Liam eksaktong isang linggo bago ipalabas sa mga sinehan sa November 26.
SCENE: Pinabulaanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang report na may bumagsak na eroplano noong Martes sa Hagonoy, Bulacan. Ang Saksi nina Arnold Clavio at Pia Arcangel ng GMA-7 ang nag-report tungkol sa plane crash.
SEEN: Si Derek Ramsay ang bida sa bagong anti-camcording campaign ad sa mga sinehan at tie up ito sa English Only, Please ang pelikula nila ni Jennylyn Mercado na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).
SCENE: Ang panawagan ni Jed Madela na mag-practice ng responsible journalism ang media pero hindi siya responsible sa kanyang mga pagtataray sa social media na ikinapahamak niya.
Walang naniniwala sa denial ni Jed na hindi ang ASAP19 staff ang subject ng kanyang tweet na “Nothing’s changed. Same old sh**! I’ll just smile and imagine I’m dealing with a bunch of monkeys.”
SEEN: Ang pagdalaw nina Rita de Guzman, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Jeric Gonzales, at Jhoana Marie Tan noong Sabado sa Children’s Legal Rights and Development Center sa UP Balay Internasyonal at ang paglahok nila sa Poster-Making at Slogan Making Contest.
Ang pagbisita ng Strawberry Lane cast ay bahagi ng ongoing partnership nila sa CLRDC dahil naging inspirasyon ng mga kabataan ng center ang primetime program ng GMA-7.
- Latest