Basta Happy… nagpakain ng matipid na recipe
MANILA, Philippines – Matapos ang mga paandar at kabugin ng kanilang mga kakumpetensya sa daily at weekly cook off rounds, sina Kyle Gorduiz ng Antipolo at Angelo Lopena ng Muntinlupa City ang maghaharap sa ating Chef Boylet Monthly Finals sa mas level up na cooking challenge!
Japanese ang theme ng monthly finals with salmon as our “bida” ingredient for the day. Si Chef Boy Logro, magpapasiklab ng kanyang version of salmon sashimi habang si Kyle, salmon teriyaki ang ipanlalaban sa salmon with soy miso glaze ni Angelo.
With our happy hurados - Chef Boy, Chef Donita Rose kasama ang guest judge, ang first Pinoy Pop Superstar and Divine Princess na si Maricris Garcia, kaninong salmon dish ang aangat at sino ang tatanghaling Chef Boylet Monthly winner?
Abangan ‘yan ngayon sa episode sa Huwebes.
Sabay-sabay naman nating silipin ang loob ng bahay ng hot actress na si Jaycee Parker bukas ng umaga sa programa pa ring pangpa-goodvibes ang tema.
Itu-tour niya tayo sa loob ng kanyang modern townhouse sa Cainta, Rizal kung saan maraming mga seksing kuwentong madidiskubre si Alex de Rossi! Si Chef Boy naman susugurin ang kusina ni Jaycee para maghanda ng isang kakaibang dish na siguradong papatok sa panlasa ng lahat ng seafood lovers gaya ng ating special na bisita!
Sa Biyernes, ang pinakabagong episode ng Chef Sarap. Dadayo sina Chef Boy, Donita, at Gladys Reyes sa Sta. Cruz para tulungan ang isang maliit na karinderia.
Si Tita Lina Tria ang may ari ng Menes Eatery na kasalukuyang nangangailangan ng tulong. Gusto niyang magdagdag ng bagong lutuin sa kanyang tindahan pero hindi siya gaanong bihasa sa pagluluto. At gusto niya sana ng ulam na masarap pero abot kaya ng mga customer niya.
To the rescue si Chef Boy together with Gladys and Donita at ang special celebrity guest na si Valerie Concepcion. Tinuruan ni Chef Boy ng bagong recipe ng Sweet and Sour Fish si Tita Lina. At may pang partner pang Krispy Kangkong recipe.
At syempre sa pagtatapos ng episode masayang ipinatikim nina Chef Boy, Donita, Gladys, at Valerie sa mga taga Sta. Cruz ang mga lutuin na ihahanda ni Tita Lina sa kanyang karinderia.
- Latest