^

PSN Showbiz

Baguhang direktor napiga sina Iñigo, Sofia, at Julian

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Matagal kong inisip kung sino ba ang direktor ng pelikulang Relaks It’s Just Pag-ibig. Nagtaka kasi ako kung bakit puno ang sinehan sa SM Fairvew na pinasok ko Lunes ng hapon na karamihan ay mga senior citizen na katulad kong nanood. Kinailangan ko pang tapusin ang pelikula para malaman na isang bagong pangalan sa larangan ng pagdidirek ang hinahanap kong pangalan. At bongga siya, mahusay niyang naipaabot sa manonood ang kuwento ng Relaks It’s Just Pag-ibig na napakilala sa manonood sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada na pawang baguhan sa industriya.

Si Sofia, ang ganda-ganda at marunong umarte. Hindi kataka-taka na mahulog agad ang loob sa kanya ng anak ni Piolo Pascual.

Kailangan lamang maturuan siya (Iñigo) nang husto ng Tagalog kung gusto niyang matapatan man lamang ang galing ng kanyang ama.

Malakas din ang dating ni Julian na kuhang-kuha ang features ng ama niyang si Sen. Jinggoy Estrada, pero mas guwapo siya. Nagbabadya rin siya ng husay sa pag-arte kapag nagtagal pa at nahasa sa pag-arte. Hindi kataka-takang nag-fall sa kanya si Julia Barretto. Okay sila ni Iñigo na kabagu-bago pa lamang napapanood sa screen ay nagagawa nang makapagpasaya at makapagpakilig ng manonood. Kahit may edad na ako, hindi ako nainip sa panonood ng mga kaeklatan ng mga kabataan na sumasabak na rin sa kissing scenes sa murang gulang.

Antoinette Jadaone ang pangalan ng baguhang direktor ng Relaks... Mada­ling matandaan ang pangalan niya dahil tunog-artista. At hindi lamang siya nagpapansin sa Relaks It’s Just Pag-ibig. May kasunod pa siyang mga pelikula na ang isa ay nagbigay sa kanya ng award bilang direktor sa katatapos na Cinema One Originals Film Festival, ang That Thing Called Tadhana na nagbigay din ng best actress award kay Angelica Panganiban. Ang isa pa niyang pelikula, Ang Nanay Kong Noisy ay napiling Biogesic Ingat na Damang Dama Sineserye Grand Winner. I’m sure after nito ay mas marami pa ang magkakaro’n ng interes na panoorin ang mga movie niya para malaman kung bakit siya pinag-uusapan at in demand na direktor ngayon.

Mariel sunud-sunuran sa asawang si Robin

Ngayon pa ba magseselos si Mariel Rodriguez kay Vina Morales na naging ex ng mister niyang si Robin Padilla at kapareha nito sa pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Bonifacio: Ang Unang Pangulo? Eh, pare-pareho na silang mature na at nakapag-settle down.

Maaring single pa rin si Vina, pero hindi ang lovelife nito ang priority niya kung hindi ang anak niya. Sina Robin at Mariel naman ay masaya na sa kanilang buhay may asawa at naghihintay na lamang ng tamang panahon para makumpleto ng anak ang pagsasama nila.

“Wala akong nararamdamang selos. Secure ako sa  pagmamahal niya. Okay kaming dalawa,” anang ginang na apat na taon nang masaya sa kanyang buhay, hindi lamang bilang may bahay ng isang sikat na artista kundi bilang katrabaho nito. Maganda ang pagtanggap sa kanila bilang hosts ng Talentadong Pinoy. “Madalas siya ang sinusunod ko, pero may mga times na nakikinig din siya sa akin, lalo’t tama ako,” pagmamalaki ni Mariel.

ANG UNANG PANGULO

ANGELICA PANGANIBAN

BIOGESIC INGAT

JUST PAG

MARIEL

RELAKS IT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with