^

PSN Showbiz

Reunion ng mga showbiz icon hinihingan na agad ng part two

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Binabati ko sina Mayor Erap Estrada at Manay Ichu Maceda sa matagumpay nilang proyektong Senior Prom Reunion. Aba hindi yata madali ang mapagsama-sama nila ang ganu’n karaming senior stars. Pero talagang hindi ko mabibilang ang dami ng mga artistang dumating para magkita-kitang muli in the name of friendship. Mula sa naka-wheelchair, pero ang ganda-ganda pa ring si Mila del Sol, hanggang sa pinakabatang si Alonzo Muhlach na bitbit ng kanyang amang si Niño Muhlach.

Ngayon pa lamang ay mayro’n nang humihiling ng repeat, pero kakayanin mo pa ba naman Manay Ichu? Sana’y kayanin mo pa, dahil pambihirang magkita-kita ang mga artista natin. Ang ganda pala at ang saya-saya! Dahil talagang kuwentuhan lang, kainan, at kantahan. Walang pressure, nakakaalis ng stress. Sana nga mas maaga natin itong ginawa, dahil maagang magpahinga at matulog ang halos lahat ng dumating na bisita.

Sana nga, kita kits tayong muli.

Good luck sa inyo Ogie!

Para namang kakaunti lang ang nadidiskubreng artista ga­yung sa totoo lang ay ang dami-dami na nila at marami sa kanila ang hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng kanilang mala­king break.

Pero welcome sa maraming may talent ang pagnanais ni Ogie Alcasid na makadiskubre pa ng ibang talent sa pamamagitan ng pagtatayo ng sarili niyang kumpanya ang ATeam (Alcasid Talent Entertainment Artist Management). Baka ‘yung hindi makita ng iba ay makita nila. Good luck sa inyo!

Paolo bumigay na sa Japan!

Anibersaryo pala ng Magpakailanman kaya sa Japan kinukunan ang anniversary episode nito na magtatampok kina Paolo Contis, Sunshine Dizon, at Glaiza de Castro. Muli, makikita sa episode ang galing sa pag-arte ni Paolo na gaganap sa role ng isang bading.

ALCASID TALENT ENTERTAINMENT ARTIST MANAGEMENT

ALONZO MUHLACH

MANAY ICHU

MANAY ICHU MACEDA

MAYOR ERAP ESTRADA

OGIE ALCASID

PAOLO CONTIS

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with