^

PSN Showbiz

Nora hindi man lang nagpa-parlor nang makipag-reunion; Ara umaapelang ‘wag siyang unahang pakasal ni Cristine

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang pagpapaseksi at pagdadalaga ni Ella Cruz na hirap na hirap maglakad sa kanyang high heel shoes.

SCENE: Ultimate ang title ng two-night Valentine concert nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Gary Valenciano, at Lani Misalucha sa Mall of Asia Arena sa February 13 and 14, 2015.

SEEN: Hindi nag-aksaya ng oras si Nora Aunor na mag-ayos nang dumalo siya sa reunion ng ve­teran stars sa Sampaguita Gardens noong Linggo. Itinali lamang ni Nora ng lastiko ang kanyang buhok.

SCENE: Kasama ni Heart Evangelista ang kanyang pamilya sa Balesin Island para sa ocular inspection ng wedding venue nila ni Senator Chiz Escudero sa February 15, 2015.

SEEN: Ang advance birthday celebration kahapon ni Martin del Rosario sa Reception and Study Center for Children (RSCC) sa Quezon City. Pinili ni Martin na makasama ang mga kabataan ng RSCC sa kanyang 22nd birthday na ipagdiriwang niya sa November 25.

SCENE: Open sa media ang work out kahapon ni Congressman Manny Pacquiao sa gym ng Venetian Macau. Handang-handa na si Manny sa laban nila ni Chris Algieri sa November 23.

SEEN: Magkakaroon ng rematch fight sina Manny Pacquiao at Chris Algieri kung sakaling matalo ng American boxer ang Pilipino pride dahil may rematch clause sa kanilang kontrata.

SCENE: Ang pakiusap kay Cristine Reyes ni Ara Mina na huwag itong unahan sa pagpapakasal dahil siya ang Ate. Isisilang ni Ara sa December ang lovechild nila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses at manganganak si Cristine sa summer ng 2015.

ARA MINA

BALESIN ISLAND

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

CHRIS ALGIERI

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

CRISTINE REYES

ELLA CRUZ

GARY VALENCIANO

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with