Kaya pala gustong bumalik sa GMA kapalaran ni Iza sa Dos ‘di pa sigurado
Come January 2015 ay mag-i-expire na ang kontrata ni Iza Calzado sa bakuran ng Kapamilya Network at hindi pa umano niya sigurado kung ire-renew ng TV network ang kanyang kontrata.
Hindi ikinakaila ni Iza na masayang-masaya siya sa bakuran ng ABS-CBN at umaasa siya na magpapatuloy ang kanyang pagiging Kapamilya.
Si Iza ay kapareha ni Piolo Pascual sa malapit nang magtapos na serye ng ABS-CBN, ang Hawak-Kamay. Ang dalawa ay nagkasama rin sa hit movie na Starting Over Again na tinampukan din ni Toni Gonzaga.
Since her move to ABS-CBN, pawang magaganda at malalaking projects ang ipinagkatiwala kay Iza at kasama na rito ang paghu-host ng reality show na The Biggest Loser originally hosted by Megastar Sharon Cuneta.
Seryeng tungkol sa mga kabit, type na type ng mga Pinoy
Wala ka bang napapansin, Salve A.? Nagki-click ang mga TV series na may tema ng isang mag-asawa at may mistress ang lalaki? Tingnan mo na lamang ang The Legal Wife nina Angel Locsin, Jericho Rosales, at Maja Salvador. Ang Ang Dalawang Mrs. Real nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe at ngayon ang Two Wives, na local adaptation ng hit Koreanovela na may ganoon ding pamagat na tinatampukan naman nina Erich Gonzales, Jason Abalos, at Kaye Abad.
Hindi naman kataka-taka dahil marami ang nakaka-relate sa istorya ng pangangaliwa ng isang mister sa kanyang asawa dahil nangyayari naman talaga ito sa maraming Filipino couples kung saan may mga itinatagong mistress ang mga lalaki sa kanilang mga misis at pamilya na madalas maging ugat o mitsa ng paghihiwalay nila.
Kuya Germs tuloy ang apela sa GMA 7
Marami sa mga talent ng Master Showman na si Kuya Germs Moreno sa kanyang lingguhang late night show na Walang Tulugan with the Master Showman ay may star potential at naghihintay lamang ng tamang break.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumi-give-up ang veteran TV host-comedian sa muling pagbabalik sa ere ng kanyang youth-oriented brainchild na That’s Entertainment na pinagmulan ng maraming stars ngayon.
“Hindi na nila kakailanganin ng isang reality talent show para lamang maka-discover ng mga bagong talents kung ibabalik lamang nila sa ere ang That’s Entertainment,” paulit-ulit na pahayag ni Kuya Germs, na magsi-celebrate ng kanyang ika-19th year sa Enero 2015.
- Latest