^

PSN Showbiz

Vic ayaw pa ring manahin ang iniwang trono ni Dolphy! Ryzza Mae paborito ang Prinsesa at Sirena episode ng MMFF entry nila ni Vic

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo ba, Salve A. that fourteen years ago ay naging love interest ng TV host-comedian-producer na si Vic Sotto ang kanyang manugang ngayon at mi­sis ng kanyang anak na si Oyo Sotto na si Kristine Hermosa?

Sina Vic at Kristine ay nagtambal sa 2004 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko The Legend na joint pro­duction ng OctoArts Films at M-Zet Films. Na­ging part din ng pelikula si Oyo at dito nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Kristine hanggang maging sila which eventually end-up sa kanilang pagpapakasal at pagiging mag-asawa.

Kung ang yumaong comedian na si Dolphy ang tinaguriang Comedy King, wala na sigurong susunod sa kanyang korona kundi si Vic. Pero hindi ito kailanman iki-claim ng boyfriend ni Pauleen Luna.

Idol ni Vic at kaibigan ang yumaong come­dy king at natutuwa siya na bago ito (Dolphy) na­wa­la ay nakagawa sila ng isang pelikula, ang Dobol Trobol: Let’s Get Redi to Rambol in 2008.

Tulad ni Dolphy, tahimik na tao lamang si Vic and also a lady’s man. Ang kaibahan lamang ng dalawa, si Vic ay ikinasal noon sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie kung kanino siya (Vic) nagkaroon ng dalawang anak, sina Danica at Oyo na kapwa may asawa na ngayon. Si Dolphy naman ay nanatiling binata hanggang sa kanyang pag­lisan pero nag-iwan siya ng 18 anak (sa iba’t ibang babae) at napakaraming apo.

May dalawa pang anak si Vic na sina Vico (sa ac­tress na si Coney Reyes) at si Paulina (sa da­ting beauty queen-actress na si Angela Luz). May limang apo na rin si Vic kina Danica at Oyo.

Sa darating na MMFF ay may entry na naman si Vic, ang My Big Bossing, isang trilogy movie na pinamamahalaan ng tatlong box-office directors – sina Tony Y. Reyes, Joyce Bernal, at Marlon Rive­ra na siyang nagdirek ng No. 1 MMFF movie last year, ang My Little Bossings.

Tampok sa tatlong episodes ng My Big Bossing ang Taktak, Sirena, at Prinsesa sina Vic at ang child superstar na si Ryzza Mae Dizon kasama ang iba’t ibang cast ng bawat episode.

Tuwang-tuwa si Ryzza Mae sa tatlong episode dahil magkakaibang role ang kanyang ginampanan. Paborito ng bagets ang Prinsesa at Sirena episodes dahil pinapangarap niyang maging isang prinsesa at sirena.

ANGELA LUZ

COMEDY KING

CONEY REYES

DANICA

DOLPHY

MY BIG BOSSING

OYO

SHY

VIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with