Aljur at Louise tuloy ang relasyon
Halatang hindi alam ni Jonalyn Viray ang tsismis kina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes na may relasyon pa rin daw kahit tapos na ang Kambal Sirena. Kaya nang buong ningning nitong i-announce sa audience na nanood sa repeat ng kanyang Fearless concert, naintriga ang tao.
Gustong malaman kung galing kay Aljur ang tiket na ginamit ni Louise dahil sabi pa ni Jonalyn, bumili ng maraming tiket si Aljur. Gusto ring malaman kung sabay silang dumating at sabay umalis dahil hindi na nila tinapos ang concert. Bago pa ang encore ni Jonalyn, lumabas na ng Music Museum sina Aljur at Louise.
Wala tuloy nakausap na press ang dalawa, pero may mga bossing ng GMA-7 na nanood kay Jonalyn at malapit ang puwesto nila kay Aljur, nagbatian kaya sila? Looking good pa rin si Aljur at may mga nagpakuha pa rin ng pictures sa kanya. Kilala pa rin naman siya ng tao kahit magsi-six months nang hindi napapanood sa TV.
Muli palang ipinamalas ni Jonalyn ang husay kumanta sa repeat ng Fearless at kahit ano’ng klase ng song kaya nito. Wish lang namin sa Motown medley niya, more popular songs ang isinama para naka-relate at naki-sing-along ang audience.
Sen. Grace Poe hindi kilala si Rocco
Natawa si Rocco Nacino nang tanungin kung nakikiliti ba ang GF niyang si Lovi Poe ‘pag hinahalikan niya dahil may balbas at bigote siya ngayon? “She likes my bigote” ang sagot ni Rocco, kaya alam na!
Kailangan sa role niya sa Hiram na Alaala ang ganu’ng looks niya para mas bumagay sa eksenang matagal nabihag ng mga rebelde ang karakter niyang si Otep. Ngayon lang nagpatubo ng balbas at bigote ang aktor at happy siya sa feedback.
Samantala, hindi na-offend si Rocco sa nabanggit ni Sen. Grace Poe na hindi siya nito kilala dahil totoo naman. Hindi pa siya naipapakilala ni Lovi sa sister nito, pero looking forward siyang makilala ito dahil kinuwento ni Lovi na nice and sweet ang senador.
Maxene magtataray na naman
Bukod sa announcement ng ABS-CBN, ibinalita rin nina Zanjoe Marudo at Maxene Magalona sa kani-kanyang Instagram (IG) accounts na naurong sa November 24 ang pilot ng Dream Dad. Hindi na rin bago, kundi pagkatapos ng TV Patrol ang time slot nito, sa prime time bida.
Ang Dream Dad ang papalit sa Hawak Kamay, pero hindi na siguro kakabahan si Zanjoe, ang ibang cast at si Direk Jeffrey Jeturian dahil maganda ang Dream Dad batay sa napanood naming trailer nito.
Kontrabida si Maxene sa Dream Dad , the same role na ginampanan niya sa last soap niya sa GMA-7. Hindi ito isyu dahil enjoy siya at natsa-challenge magkontrabida at hindi all out siyang masama dahil pampamilya ang serye.
Magkapatid na Elmo at Maxene magtatapatan
Excited ang televiewers sa magiging tapatan ng Dream Dad ng ABS-CBN at More Than Words ng GMA-7 sa November 24. Hindi lang dahil parehong feel good at light ang tema ng dalawang shows, kasama rin sa rason ang magkapatid na Maxene at Elmo Magalona.
Kaya sa Nov. 24 pa ang tapatan ng dalawang shows, dahil ang More Than Words palang ang magpa-pilot ngayon, Nov. 17, next Monday pa ang Dream Dad.
Ang mangyayari nito, Baste (Zanjoe) at Baby (Jana Agoncillo) vs. Hiro (Elmo) at Ikay (Janine Gutierrez) ang magiging labanan. Idagdag na rin sina director Jeffrey Jeturian (Dream Dad) at Andoy Ranay (More Than Words).
- Latest