Iza parang walang kasiyahan sa career!
Ano ba itong si Iza Calzado at tila walang kasiyahan sa career. Sa kabila ng mga magagandang proyekto na inilalatag sa kanya ng ABS-CBN ay nagbabalak pa rin daw itong bumalik ng GMA dahil lang hindi niya nagustuhan ‘yung mother role na ibinigay sa kanya.
Owwww. Come on Iza, huwag ka naman masyadong mapili. Tinatawag mong propesyonal ang iyong sarili, pero ayaw mo ng mother roles? O baka naman may nang-iintriga lang sa iyo? If this is the case, I’m sorry, hindi ka lang kasi kilalala bilang isang Iza na unprofessional.
Mga Hermes bag ni Jinkee pahinga muna sa kanyang mga litrato
Nagsawa na rin marahil sa pagdi-display ng mga mamahalin at branded na bag si Jinkee Pacquiao kung kaya pahinga muna siya rito sa pagpapakita sa kanyang social media account ng kanyang mga mamahaling bag na Hermes. Panay pa rin naman ang pagpo-pose ni Jinkee ng mga litrato nilang mag-anak pero hindi naka-display ang bag niya. Pero ang mga damit at sapatos niya, suot pa rin naman niya. Kaya lang pag hindi ka naman brand conscious hindi mo naman malalaman na mamahalin ‘yun.
Pops mas yumayaman sa pagiging produ
Mukhang mas kumikita si Pops Fernandez sa pagpo-produce ng mga concerts at special shows, kung kaya bihira na siyang mapanood sa TV at movies.
Kung sabagay, kung dito siya mas kumukita, bakit nga naman siya kakanta pa? Nagkakatulungan pa sila ng kanyang ina na forte ang mga concerts at special shows din.
- Latest