Nawalan ng sandalan singer-actor na galling sa talent search sa kanilang probinsiya na lang nakikipagsapalaran
Bumalik na sa kanyang probinsiya ang isang magaling na male singer na produkto ng isang talent search. Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na wala na siyang maaasahan sa network na kanyang pinagseserbisyuhan dahil hindi na siya ang “paborito” ng isang gay executive ng istasyon.
Matagal na siyang hindi napapanood sa kahit anong serye, samantalang dati’y katambal pa siya ng bida, hindi na rin siya napapanood sa isang variety show na dati’y nagbibigay ng magandang exposure sa kanya.
Sabi ng aming source, “Dapat, sa umpisa pa lang, e, tanggap na niya sa kalooban niya na weather-weather lang naman talaga sa network na ‘yun.
“‘Di ba, ang kasabihan nga sa showbiz, e, suwerte ng artista kung mataypan sila ng mga bading at mga tomboy sa network na ‘yun? Siguradong meron na silang mga teleserye, meron pa silang pelikula!
“Pero kapag binitiwan na sila, ano ang sinabi sa kanila ng yelo sa panglalamig ng career nila? Gaya nitong si ____(ang magaling na male singer), he had his time. Nagkaroon siya ng mga serye, bonggang-bongga ang mga production numbers na sinalihan niya sa variety show ng network, maraming projects nu’n si male singer-actor!
“Pero nu’ng magsawa na sa kanya ang pader na sinasandalan niya, e, naglaho nang lahat ang trabaho niya. Kahit maliit na roles lang, waley na siya sa network!” kuwento ng aming impormante.
Dahil sa sobrang depresyon at kawalan na rin ng panggastos, umuwi na lang sa kanilang probinsiya ang male singer, du’n na lang siya kumakanta para meron siyang pagkakitaan.
Hindi na bago ang ganitong kuwento, paulit-ulit na lang na nangyayari ang ganyang senaryo, kapag flavor of the season ka ng gay executive ay bonggang-bongga ang career pero kapag pinagsawaan na ay nganga ang kauuwian ng artista.
Ubos!
Dahil masang-masa ang istorya, Trenderas laging nagti-treding!
Grabe ang mga papuring tinatanggap ng mga bumibida sa Trenderas ng TV5 tuwing matatapos ang kanilang episode. Maraming kababayan natin ang nagagalingan kina Lara Maigue, Katrina Velarde, at Isabelle de Leon.
Bukod sa mgagaling na kasing singers ang mga bida ay magaan pa sa panonood ang Trenderas, mapuso ang bawat episode nila, kaya nagti-trending ang palabas.
Masang-masa ang kuwento ng Trenderas, tatlong tindera sa palengke na inambunan ng kapalaran sa pagkakaroon ng magandang boses, ‘yun ang magiging susi sa kanilang tagumpay.
Hindi matatawaran ang talento nina Lara, Katrina, at Isabelle, puwede silang itapat sa mga datihan nang biritira dahil preskung-presko pa ang kanilang boses, kaya nilang makipagsabayan sa kahit kanino d’yan.
Nakakasorpresa ring malaman na magagaling din silang umarte, lalo na si Isabelle de Leon, na naging baby rin nu’n ni Bossing Vic Sotto bilang si Duday.
At sino ba naman ang makalilimot sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Magnifico na pinagbidahan ni Jiro Manio, si Isabelle ang gumanap bilang epileptic na batang palaging pinapasan ni Jiro, minarkahan na siya nu’n pa man ng ating mga kababayan.
Tuwing Sabado nang gabi ay sasabihan na agad ng mga bata ang kanilang tagapag-alaga, maaga raw silang kakain, dahil manonood sila ng Trenderas ng TV5.
- Latest