^

PSN Showbiz

Vic nagpaplanong magkaanak na babae kay Pauleen?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kuntento na si Vic Sotto sa pagkakaroon ng maraming anak at mga apo, pero mas magiging masaya raw ang aktor kung sakaling mabibigyan pa ng isang anak na babae. “Kapag darating, I will be happier. It’s most welcome kung may parating pa. bonggang, bonggang, bongga,” natatawang pahayag ni Vic.

Palagi raw nasasabik ang aktor na makasama ang kanyang mga anak at mga apo. “Marami akong apo eh. May bagong baby, si Caleb na gwapong-gwapo na, nagmana sa lolo, grabe. I’m sure nakikita n’yo sa Instagram ni Oyo (asawa ni Kristine Hermosa). Siyempre hindi mo puwedeng alisin ‘yon. Bonus na lang ‘yung mga apo ko na mababait, cute,” dagdag ni Vic.

Maayos ang relasyon ng aktor kay Pauleen Luna at ayon kay Vic ay talagang bahagi na rin ng buhay niya ang aktres. “Oo naman. Kasama siya sa araw-araw ng buhay ko,” pagbabahagi niya.

Nananatiling positibo ang pananaw ni Vic sa buhay dahil nae-enjoy niya ang trabaho bilang aktor. “I’ve always been relaxed. That’s one thing that’s keeping us really going strong, loving what you’re doing. At kapag sinabi mo ‘yung loving what you’re doing, eh kung di ka relaxed, di ka mag-e-enjoy. Kung tingin mo lang sa ginagawa mo ay trabaho lang talaga, trabaho ka nang trabaho, walang rela­xation. Iiksi ang buhay mo. In other words, kailangan mag-e-enjoy ka,” paliwanag ng aktor.

Zaijan si Andrea ang gustong maka-loveteam

Magtatapos na sa Biyernes ang teleseryeng Hawak Kamay na pinagbibidahan ni Piolo Pascual kasama ang mga batang sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Yesha Camile, at Andrea Brillantes. Umaasa raw si Zaijian na muli siyang mabibigyan ng proyekto ng Kapamilya network pagkatapos ng nasabing proyekto. “Wala pa pong project pero sana po ay mayroon po,” bungad ni Zaijian. “Gusto ko po sana ay teen show pero kahit ano po ang ibigay sa akin ay okay po ako. Ready na,” dagdag pa niya.

Kung sakaling mabibigyan ng pagkakataong pumili ng makakapareha ay si Andrea raw ang gusto ni Zaijian. “Si Andrea po kasi kumportable na kami sa isa’t isa. First time kaming nagka-work sa Hawak Kamay,” pagtatapat ni Zaijian.

Aminado ang batang aktor na mayroon siyang crush o paghanga kay Andrea at nagulat din si Zaijian nang malamang crush din siya ng batang aktres. “Nagulat po ako. Ngayon ko lang nalaman. Dati po kasi crush na crush ko rin siya, at nagulat ako na crush niya rin ako,” natatawang pahayag ni Zaijian.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

HAWAK KAMAY

KRISTINE HERMOSA

PAULEEN LUNA

PIOLO PASCUAL

SI ANDREA

VIC SOTTO

ZAIJIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with