Pagkatalo ni Bianca sa Miss International pageant, tanggap na!
Hindi pinalad ang kinatawan ng Pilipinas na si Bianca Guidotti na maiuwi ang korona ng 2014 Miss International na ginanap sa Tokyo, Japan last Tuesday, November 11. Ni hindi rin siya pinalad na makapasok man lamang sa Top 10.
Nagtapos na ang reign ni Bea Rose Santiago ng Pilipinas na nanalong 2013 Miss International matapos niyang ipasa sa bagong winner ng Miss International na si Valerie Hernandez ang korona ng Venezuela.
Magtatapos din sa susunod na buwan, December 14, ang reign ng kauna-unahang Filipina Miss World na si Megan Young.
In fairness, naiuwi na ng Pilipinas ang iba’t ibang korona ng malalaking international beauty pageants at kasama na rito ang Miss Universe, Miss World at Miss International, isang indikasyon na kayang makipag-compete internationally ang kagandahan at katalinuhan ng mga Filipina beauties.
Amy nasulit ang pag-aantay ng walong taon
Nag-pay off ang matagal na pagtitiyaga at paghihintay ng actress-TV host na si Amy Perez na mapawalang-bisa ang kanyang kasal sa unang asawa, ang dating lead vocalist ng South Border na si Brix Ferraris para maging legal at mabasbasan ang matagal nilang pagsasama ng kanyang longtime-partner na si Carlo Castillo.
Si Amy ay may isang anak sa dating mister (Brix) na basta na lamang naglaho at tuluyan silang iniwang mag-ina.
Matagal nang plinano nina Amy at Carlo na maging legal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa pero maraming taon ang kanilang binilang para tuluyang ma-annul ang kasal ni Amy sa dating mister na isang mahusay at sikat noon na mang-aawit at naging solo recording artist ng OctoArts International.
Bukod sa binatang anak ni Amy sa dating mister, may dalawa rin silang anak ni Carlo na parehong lalaki.
Sina Amy at Carlo ay ikinasal last Wednesday afternoon sa The Mango Farm sa Antipolo, Rizal at dinaluhan ng kanilang malalapit na kaanak at kaibigan.
Sina Amy at Carlo ay walong taong nagsama bago natupad ang matagal na nilang pangarap na magpakasal.
- Latest