AiAi sa pasma nakuha ang Bell’s Palsy
Wala namang nangahas na magtanong kay AiAi delas Alas tungkol sa nababalitang paglipat niya sa kabilang istasyon. Maganda at masaya kasi ang aura ng Comedy Concert Queen na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan nung ganapin ang presscon ng Past Tense, isang comedy film na ginawa niya kasama ang parehang sina Kim Chiu at Xian Lim. Isang love story ito na ginamitan ng elemento ng time travel dahil bumalik sa kasalukuyan ang karakter ni Kim na si AiAi na nga ng 20 taon mula sa future para masiguro na magiging matagumpay ang kuwento ng love story nila ni Xian as kasalukuyan.
Ipinagpapasalamat niya ang kaligayahang tinatamasa niya ngayon kasama ang bago niyang karelasyon na si Gerald Sibayan at sa madali niyang paggaling sa itinago niyang karamdamang Bell’s Palsy na hanggang ngayon ay hindi niya batid ang pinagmulan. “Wala naman sa atin ang nakakaalam kung saan ‘yun nanggagaling. May kaunting stress, pero more on init at lamig lang ‘yun. Parang pasma,” sabi niya.
Bukod sa Past Tense, may ginawa ring album si AiAi sa Star Music, ang ADA: The EDM Diva. Matagal nang naririnig ito sa radyo, lalo na ‘yung kantang Nandito Lang Ako pero akala ng mga nakakarinig ay isang foreign artist ang kumakanta dahil ADA nga ang pangalan. Ang hindi nila alam ay initials ito ng komedyante. Nu’ng i-launch lang sa ASAP 19 ang album saka lamang nalaman ng lahat na si AiAi ang may-ari ng album. Dahil din sa album kung kaya may taguri ngayong local JLo si AiAi.
Nora mahirap nang tubuan ng buhok kung magpapakalbo pa
Magpapa-kalbo raw si Nora Aunor para sa pelikulang gagawin niya kay direk Jun Lana. Lalaki ang magiging role niya sa movie kaya payag siyang magpa-ahit ng kanyang ulo na para sa akin naman ay hindi na sana kailangan dahilan puwede namang magawan ito ng paraan sa pamamagitan ng prosthetic make-up. Sa edad ng Superstar ay hindi na mabilis pang tutubo ang kanyang buhok. Baka naman maapektuhan nito ang kanyang trabaho kung magtagal pa bago tumubong muli ang kanyang buhok at may naghihintay ng proyekto.
- Latest