^

PSN Showbiz

Sandara Park mas piniling mag-birthday sa Palawan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sina former President Joseph Estrada at First Lady Luisa Ejercito sa red carpet premiere ng Relaks, It’s Just Pag-ibig sa SM Megamall Cinema noong Martes. Sinuportahan ng mag-asawa ang pelikula ng kanilang apo na si Julian Estrada.

SCENE: Dumalo si Piolo Pascual sa red carpet premiere ng Relaks, It’s Just Pag-ibig bilang suporta sa anak na si Iñigo at bilang co-producer ng pelikula. Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Relak’s It’s Just Pag-ibig.

SEEN: Ang intimate 50th birthday party ni AiAi Delas Alas sa bahay niya sa Ayala Hillside Estates noong Martes. Personal na bumati kay AiAi ang mga big boss ng ABS-CBN. 

SCENE: Malapit nang mag-expire ang exclusive contract ni AiAi Delas Alas sa ABS-CBN at pahulaan pa kung magre-renew siya ng kontrata. 

SEEN: Lumutang ang ganda ni Sheryl Cruz sa cover pictorial nila ng kanyang mga pinsan para sa isang magazine at nagmistulang photoshopped ang mga mukha ng mga kasama niya.

SCENE: Lumipad kahapon sa Palawan si Sandara Park at ang Korean friends niya para sa kanyang birthday celebration. Kahapon ang 30th birthday ni Sandara. 

SEEN: Si Hayden Kho, Jr. ang special guest speaker sa ABS-CBN Fellowship na ginanap kagabi sa Training Hall ng ELJ Building. Muling ibinahagi ni Hayden ang mga karanasan nang kumalat ang kanyang mga sex video na naging daan upang makilala niya ang Diyos.

SCENE: Opisyal na ang pagiging Mrs. Castillo ni Amy Perez dahil ikinasal na siya kahapon sa TV5 news reporter na si Carlo. Ginanap ang garden wedding nina Amy at Carlo sa The Mango Farm, Antipolo City.

vuukle comment

AMY PEREZ

ANTIPOLO CITY

AYALA HILLSIDE ESTATES

CINEMA EVALUATION BOARD

DELAS ALAS

FIRST LADY

GRADED A

HAYDEN KHO

JUST PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with