Cristine ayaw pa ring magtrabaho
Ang dali namang i-deny ni Cristine Reyes ang napababalitang buntis siya. Pero mas lalong naniwala ang tao na may katotohanan nga ang balitang ito at hindi tsismis lamang nang mag-post siya ng photo sa kanyang Instagram (IG) account kasama ang kapatid niyang si Ara Mina, na later on ay binura rin niya. Noted sa kaseksihan si Cristine pero sa picture ay medyo malaki ang tummy niya at hindi pahuhuli sa kapatid niyang malapit nang manganak. Nakatulong din para mas lumala ang tsismis nang minsang mag-walkout si Cristine habang ini-interview tungkol sa buntis issue.
Siya rin mismo ang tumatanggi sa trabaho na ino-offer sa kanya. May isang teleserye na inalok sa kanya, pero tinanggihan niya ito kaya marahil nag-iisip na ang network kung aalukin pa siyang muli dahil baka talagang pangatawanan na niya ang pagbabakasyon sa limelight. Ang hinihintay na lamang ng lahat ay ang anunsyo kung kailan sila pakakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Erwin Tulfo pinag-iisipan kung tatakbong bise presidente sa 2016
Walang bad blood na namamagitan sa pagitan ng news anchor ng TV5 na si Erwin Tulfo at ng iniwan niyang ABS-CBN. Nawala man siya sa istasyon, naiwan naman dito ang kanyang maybahay na isa ring news reporter, si Karen Padilla. Tanggap na niya na kinailangang magbawas ng tauhan nun ng Kapamilya Network at malas lang na siya ang isa sa mga nawala. Madali naman siyang nakapasok sa ibang istasyon dahil hindi naman siya pipitsuging talent bago siya kinuha ng TV5.
Masaya ang dating Kapamilya talent sa kanyang kinalalagyan ngayon sa Kapatid Network, sa programang Aksyon. Sinusubaybayan ang mga news program nila ng istasyon dahil sa mga makatotohanan at matapang na pagbabalita nila.
Kapag nagkataon, baka pasukin na rin niya ang pulitika. May alok sa kanyang tumakbo sa posisyon ng pagka-bise presidente sa 2016. Pinag-iisipan pa niya ang alok at talaga namang kailangan niyang pag-isipang mabuti dahil hindi biro ang pagpasok sa pulitika. Hindi lang siya magre-report ng balita. Siya na rin ang ibabalita.
Fundraising concert nina Imelda at mga kapatid mamayang gabi na
Magtatanghal mamayang 8 ng gabi sa Music Museum ang international singer at entertainment icon na si Imelda Papin kasama ang kanyang mga kapatid na sina Gloria Belen at Aileen Papin. Si Gloria ay isa ring recording Artist na original singer ng Isang Linggong Pag-ibig, concert producer at singer sa Estados Unidos, samantalang ang pinakabatang kapatid na si Aileen ay nag-record ng isang inspirational album at pinarangalan kamakailan lang bilang Most Promising Asian Performer ng Media Power Group.
Ang kakaibang palabas at kauna-unahan ng magkakapatid ay kabibilangan ng Top 40 Hits, awiting Broadway at mga kantang pinasikat ni Imelda at kinagiliwan ng madla. Siguradong ang palabas ay hitik sa musika, kasiyahan, at katuwaan kasama ang mga panauhing dating senador Joey Lina, BMG recording artist/composer/vocal coach at Aliw nominee for vocal arrangement na si Garry Cruz, ang nakaaaliw na Jackstone Brothers at ang nakabibilib na Madrigal Siblings na nanalo ng 2009 Junior Champion Group Vocalist sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Los Angeles, California.
Ang produksiyon ay handog ng I.A.P. Foundation at C.A.R.E. (Child Assistance for Responsible Education). Ang co-producer ay si Imelda “Aida” Dela Cruz samantalang ang choreographer ay si Lyn Tamayo at mula sa direksiyon ni Bobby Papin at Technical Director na si Pat Reyes.
Ang fundraising concert ay para sa kapakanan ng C.A.R.E. at free dialysis treatment para sa mga mahihirap na pasyente ng Eminence Homecare Dialysis Center sa San Lazaro at QCGH Hospital.
Sa mga katanungan tungkol sa tiket, tawagan ang 904-6212, 0915-6608627 at 0922-8143063.
- Latest