^

PSN Showbiz

Matteo pilit sinisiraan kay Sarah

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sinabi lang ni Matteo Guidicelli na matagal na niyang gusto si Sarah Geronimo, pinalalabas na agad na may ibang girlfriend pa siya ay unfaithful na ito. Ano namang utak ‘yan at parang manok! Marami pang ibang may karelasyon na kahit mag-asawa na ay may kinagigiliwan pa ring ibang babae o lalaki. Pero hindi ibig sabihin nu’n ay nagtataksil na sila. Mabuti si Matteo, ang babaeng matagal na ­niyang gusto ay nakatuluyan pa niya, masuwerte siya.

Si Sarah din naman, nu’ng nagsisimula na ­siy­ang mapansin ng boyfriend niya ngayon ay may iba ring pinagkakainteresan. Pero hindi ito naging hadlang para hindi sila magkapansinan ni Matteo.

Paulo tagumpay kay KC!

Aba, at talagang pinanga­nga­tawanan ni Paulo Avelino ang pagpapakita ng concern at pa­ki­ki­ra­may kay KC Concepcion sa pagkamatay ng lola nito. Gabi-gabi ay makikita ito sa burol, pero ‘yun nga lamang hindi naman ito nagpapaka-epal na umarteng pa­rang miyembro ng pamilya. Simple lamang ito sa pagmamalas ng kanyang pakikipag­kaibigan at pakikiramay sa pamilya.

Mukha namang may nararating ang pagiging ma­tiya­ga ng aktor sa kanyang panliligaw kay KC, Na­gagawa na niyang ilapit si KC sa kanyang anak at maging ang ina ng kanyang anak ay boto na rin kay KC para maging stepmother ng anak nila na si Aki.

vuukle comment

AKI

ANO

CONCEPCION

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

PAULO AVELINO

PERO

SARAH GERONIMO

SHY

SI SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with