^

PSN Showbiz

Nasukat na rin... Dream wedding gown ni Marian tapos na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinost ni Marian Rivera sa kanyang Instagram (IG) account ang picture nila ni Michael Cinco, ang designer ng kanyang wedding gown na based in Dubai. Muling nagkita ang dalawa dahil may show sa Dubai sina Marian, Julie Anne San Jose, at Dingdong Dantes.

Isinabay na rin ni Marian ang pakikipagkita kay Mi­chael to check on her wedding gown at sa post nitong “I am lite­rally “speechless.” Thank you @michael5inco for making my dream wedding gown” mukhang nakita na niya o baka tapos na ang kanyang wedding gown.

Habang nasa Dubai rin, nag-pre-nup shoot na rin sina Marian at Dingdong Dantes, kaya naging busy ang engaged couple. Excited na ang fans ng dalawa na makita ang pre-nup shoot at wedding gown ni Marian.

Paulo gabi-gabing nasa burol ni Mommy Elaine, pero hindi masyadong makaepal kay KC

Sa narinig naming kuwentuhan sa burol ni Mommy Elaine Gamboa-Cuneta, gabi-gabi palang nasa burol ng lola ni KC Concepcion si Paulo Avelino. Nagka­taon namang wala siyang soap ngayon, light ang sche­dule dahil hindi pa nagsisimula ang taping ng Exchange Gift nila ni KC, kaya nadamayan ang dalaga.

Inobserbahan namin si Paulo noong nasa Santuario de San Antonio Chapel kami, kung saan nakaburol si Mommy Elaine at nakitang madalas, nasa likod ni KC lang siya nakaupo. Tahimik lang si Paulo, hindi papan­sin, at kung ‘di pa ito lumingon, hindi kami makikita at doon lang kami binati at ang mga kasama naming reporters.

Bukas na, after ng 1:30 p.m., mass ang libing ni Mommy Elaine sa Manila Me­morial Park, kung saan, nakalibing din ang asawa niyang si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

Mark ayaw pang lumaki agad ang anak

Ang cute ng message ni Mark Herras sa first birthday ng anak na si Ada na pinost nito sa IG. Sabi ni Mark: “Happy, happy birthday baby!!! Thank you dahil dumating ka sa buhay ko...Thank you for making me smile everyday... Don’t grow up too fast Ada. I love you so much #AdaSofiaNicoletteHerras.”

Ipinanganak si Ada noong November 7, 2013 at kamukha siya ni Mark. Sa nakikita namin sa IG ni Mark, madalas niyang makasama at maka-bonding ang ba­by niya.

Aktor na binigyan ng dalawang show ng ibang network, binabawi na!

Binabawi na ng isang network ang isa nilang talent na ipinahiram sa ibang network habang wala pa silang maibigay na show dito. Nabalitaan namin na tinawagan ng management ng network ang manager ng aktor at may meeting sila bukas na mismo.

Biniro ng mga kaibigang press ang manager ng aktor na kaya siya ipatatawag dahil babawiin na nila ang aktor sa network kung saan ito may show nga­yon. Kung totoo ang hula ng mga reporter, paano na ang dalawang shows na gagawin sana ng aktor sa network na humiram sa kanya?

Gusto pa naman ng aktor ang show na ibinigay sa kanya ng network na humiram dahil iba ang kanyang ginagawa at nakitang may talent din pala siya sa pagho-host.

Maganda rin ang concept ng isa pang show na gagawin ng aktor sa network na humiram, kom­por­table siya sa concept at higit sa lahat, ilang kapamilya ang makakasama niya.

Paano kung hindi na siya payagan ng kanyang home network na i-extend ang paglabas sa kabilang network? Sayang ang da­lawang shows na dapat niyang gawin.

 

ADA

AKTOR

DINGDONG DANTES

DUBAI

EXCHANGE GIFT

MOMMY ELAINE

NETWORK

PAULO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with