LJ mabenta sa indie
Puwede nang tawaging Indie Princess ang ex-GF ni Paulo Avelino na si LJ Reyes dahil sunud-sunod ang mga ginagawa nitong indie films na ang pinakabago ay ang advocacy movie na Bigkis. Bago ang Bigkis ay napanood siya sa The Janitor, Intoy Siyokoy, The Leaving, at Pitong Tagpo. In 2010, si LJ ang nanalong Best Supporting Actress ng Cinemalaya para sa kanyang ginampanang role sa The Leaving.
Malayo na nga ang narating ng 1st Princess ng Batch 2 ng Starstruck, ang artista search ng GMA kung saan ang mga Ultimate Survivors ay sina Ryza Cenon at Mike Tan.
Jason naudlot ang pagiging engineer
Kung hindi pinasok ni Jason Abalos ang showbiz, malamang ay isa na siyang matagumpay na enhinyero dahil nakapagtapos siya ng engineering course in 2003 sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Nang matapos siyang grumadweyt sa college ay sinubukan niyang mag-audition sa 2004 Star Circle Quest ng ABS-CBN at masuwerte siyang nakapasok.
Magmula nang mapabilang si Jason sa stable ng Star Magic ay naging home grown talent siya ng ABS-CBN kung saan siya nakagawa ng sunud-sunod na teleserye na ang pinakabago ay ang local adaptation ng Koreanovelang Two Wives. Kabituin niya rito sina Erich Gonzales at Kaye Abad.
Martial Law sa Thailand hindi ramdam
Alam mo, Salve A., hindi namin naramdaman na under military rule o Martial Law ang bansang Thailand dahil business as usual ang mga activities doon nang kami ay magtungo early this week para dumalo sa ika-18 taon ng Hair & Make-up Olympics ng APHCA (Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association) na pinamumunuan ng Magazine Show host and beauty expert na si Ricky Reyes na ginanap sa Centara Grand Central Plaza Ladprao Hotel sa Bangkok, Thailand.
Busy at napakarami ng mga tao sa kanilang napakagandang airport, masikip sa rami ng tao sa mga shopping areas tulad ng Pratunam at Patpong at ibang areas tulad ng Narayaphan, sa Flower Market/Pak Kiong Talad, sa China Town sa Yaowarat, sa Chatuchak Weekend Market, sa Phantip Place, Mah Boon Krong (MBK) at sa marami pang lugar na dinarayo sa Bangkok.
- Latest