^

PSN Showbiz

Matindi talaga ang topak: Aktres mabilis ang takbo ng utak sa kalokohan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang super-kapal na libro pala ang maisusulat ng isang dating kasa-kasama ng isang aktres nu’ng kanyang kasikatan. Isang librong magbubunyag ng kanyang mga kalokahan sa buhay.

Marami silang naging shock absorber ng makasaysayang aktres, sila ang tagasalo sa kanyang kalokahan, lalo na kapag tinatamad na siyang magtrabaho.

Kuwento ng source na hindi nauubusan na anekdota tungkol sa pinagseserbisyuhan niyang aktres, “Ibang klase siya! Pagsama-samahin mo man ngayon ang kalokahan ng mga kabataang artista, e, hindi ‘yun mangangalahati sa mga kalokahan nu’n ng lola n’yo!

“Matindi siya, napakabilis ng utak niya pagdating sa kalokahan. Nakabihis na siya, nakaayos na sa pagpunta sa shooting, sasakay na lang siya sa van niya, pero magbabago pa ang isip niya.

“Sasabihin niya, ‘Tawagan n’yo si ganito at ganyan, sabihin n’yo, may lagnat ako, mataas, ayaw akong pagtrabahuhin ng doktor ko!’

“Ano naman ang magagawa namin, e, ayaw nga niyang mag-work? So, kami naman, tatawag sa production, sasabihin naming mataas ang fever niya, hindi siya makakapag-report sa shooting.

“Nakakaawa ang production sa kanya dahil nandu’n na ang mga extra, nandu’n na ang catering, kumpleto na ang mga artista, siya na lang ang wala dahil nag-alibi nga siyang maysakit!

“Palagi niyang ginagawa ang ganu’n kapag may topak siya. Bigla siyang nagkakasakit, ayaw niyang magtrabaho, milyon ang nawawala sa producer kapag tinotopak siya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Nakakaya niyang gawin ang ganu’n dahil sikat na sikat siya, pinipilahan ang kanyang mga pelikula, napakalakas ng loveteam nila ng isang aktor. Kailangang-kailangan siya ng mga prodyuser nu’n.

Pero ngayon ay hindi na ‘yun makakayang gawin ng makasaysayang aktres, siya na kasi ang humihingi ng trabaho, hindi na niya kayang mambitin ng shooting o taping.

“Saka hindi na kumikita ang mga pelikula niya, ‘no! May mga awards siya, pero semplang sa takilya ang mga ginagawa niyang pelikula!” pairap pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Gov. Vi sinisingil na sa sobrang kasipagan

Nagiging masasakitin ngayon si Governor Vilma Santos-Recto. Sensitibo na ang kanyang kalusugan ngayon. Siguro nga ay sinisingil na siya ng panahon dahil sa pag-aakala niyang siya si Wonder Woman.

Sobra naman kasi ang kasipagan ng Star For All Seasons, kinakaya niyang gampanan ang pagiging ina ng Batangas sa maghapon, pumapasok siya nang napakaaga at umuuwi nang gabing-gabi na at may bitbit pang mga dokumentong sa bahay niya na lang pag-aaralan at pipirmahan.

Idagdag pa na masyado niyang dinala ang lungkot sa pagkawala ni Tita Aida Fandialan na ilang dekada niyang pinagkatiwalaan bilang secretary, may sakit pa si Mommy Milagros, talagang ibabagsak nga ng emosyon ang kanyang katawan.

Napakapropesyonal ni Governor Vilma, hindi siya sumasagot sa kahit anong kompromisong hindi niya kayang panindigan, mahalaga sa kanya ang word of honor.

Kailangan niya namang regaluhan ang kanyang sarili ng masarap na pahinga, hindi puwedeng mangyari ang gusto niya na kapag sinimulan niya ang trabaho sa umaga ay kailangan niyang matapos ‘yun sa gabi, hindi na siya bumabata.

Tama ang obserbasyon ng isang college professor na nakausap namin, “Vilma Santos is Vilma Santos in may ways. Magaling siyang aktres, mahusay siyang lingkod-bayan, nagagampanan pa rin niya ang pagiging ulirang asawa, anak at nanay. How can you beat that?”

Oong-oo nga naman.

GOVERNOR VILMA

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

KANYANG

NIYA

NIYANG

SIYA

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with