Marvin ‘puring-puri’ si Jolina
SEEN : Ang ‘user friendly’ 36th birthday message ni Marvin Agustin para kay Jolina Magdangal:
My dear Jolina, happy happy happy birthday! You are such a blessing to a lot of people. Kinumpleto mo ang buhay ng bawat batang 90s! Napakarami mong napasaya at patuloy na pinapasaya. Isa kang inspirasyon, Mark and Pele are so lucky to have you, a beautiful wife and the best mom every one would want to have. You are so beautiful inside and out. Napakabait na anak, napaka-humble pero napaka-talented artista, at grabe mag mahal bilang kaibigan. I’m just so happy that we are friends and I’m very proud to say that. ‘Yang pictures na ‘yan ang journey ng mga characters na ginampanan natin - Leslie, Ditas, Bujoy and Abigail - at para sa marami pa nating lalakbayin bilang loveteam at bilang magkaibigan.
Happy birthday my labs and babes, happy birthday sa aking napakabait na kaibigan! God bless you always.
SCENE : Hindi kinilig ang marami sa birthday message ni Marvin Agustin kay Jolina Magdangal.
SEEN : May diner sa Davao City ang ex-sexy star na si Juliana Palermo. Madali nang matutunton si Juliana ng mga tao na hinahanap siya dahil sa kanyang mga financial obligation.
SCENE : Kumpleto ang mga anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar dahil umuwi sa Pilipinas ang kanilang bunso na si AJ na magpapakasal bukas, November 10, sa fiancée na si Rosetti Robles.
SEEN : Sina Vice Ganda, James Reid at ang stars ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig ang mga performer sa giant Christmas tree lighting sa Araneta Center noong Biyernes.
- Latest