Ricky Reyes mas kilalang Licky Leyes sa Thailand
Dalawang araw ginanap ang ika-18th APHCA Hair & Make-Up Olympics sa Centara Grand ng Central Plaza Ladprao sa Bangkok, Thailand last November 4 & 5, 2014 kung saan ang pangulo (for the last 18 years) ay ang beauty czar at TV magazine show host ng Pilipinas na si Ricky Reyes.
Ang APHCA (Asia-Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association) na kinaaaniban ng mahigit 20 bansa sa buong Asia-Pacific ay nilahukan lamang ng 16 bansa - Thailand, Philippines, Japan, Korea, China, Taiwan, Hong Kong, Sri Lanka, India, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Mongolia, Laos, Macau, at Singapore na dinaluhan ng iba’t ibang delegado mula sa iba’t ibang participating countries, ilang kilalang dignitaries at personalities ng Thailand. Dumalo rin sa welcome reception ang Ambassador ng Pilipinas sa Thailand na si Amb. Jocelyn Garcia na ginanap sa Sala Thai (Pool Side) ng Grand Centara nung gabi ng November 4 (Tuesday). Lahat ng mga bisitang dumalo at maging ang iba’t ibang delegado mula sa iba’t ibang bansa ay nakasuot ng kani-kanilang national costume kaya napakagandang tingnan.
Sa ikalawang araw ng kumpetisyon nung November 5, isa itong whole day affair na nagsimula as early as 8:00 a.m. at nagtapos ng halos alas-10 na ng gabi kung saan naman inihayag ang mga winner sa iba’t ibang kategorya.
Ang bansang Pilipinas ay pinangunahan mismo ng 18-year APHCA president na si Ricky Reyes na mas kilala sa Thailand as Licky Leyes dahil hindi nila mabigkas ang letter “R”.
Ang bansang Thailand ang naging over-all champion sa competition. Ang Taipei ang nagwagi sa Creative Color Fantasy Styling, ang China ang nanalo sa Bridal Hair & Make-Up category, kung saan 1st runner-up ang bansang Taipei at 2nd runner-up naman ang Pilipinas. Ang Pilipinas ang nakapag-uwi ng award para sa Men’s Haircut category.
- Latest