Arnold iba na ang ka-partner sa saksi Vicky Morales isasama na kina Mel at Mike sa 24 Oras
May ipina-plug ang GMA 7 na pagbabagong magaganap sa 24 Oras at Saksi, pero pinag-uusapan na ito sa internet at ng press people. Tingnan natin kung tama ang alam ng press at netizens.
Kalat na simula sa Monday, November 10, makakasama na nina Mike Enriquez at Mel Tiangco si Vicky Morales sa 24 Oras. Tatlo na silang magre-report ng mga balita.
Pero hindi magsosolo si Arnold Clavio sa Saksi dahil papalit kay Vicky si Pia Arcanghel. Papalit naman kay Pia sa Balitanghali ng GMA News & Public Affairs si Connie Sison.
Bukod sa paglipat ni Vicky at pagpalit sa kanya ni Pia, ilu-launch sa Monday ang new logo ng 24 Oras at Saksi at mga bagong segment.
Dalawang magaling na aktres matindi ang inisan habang magkasama sa serye
Hindi lang nahalata, pero nagkaroon pala ng iringan ang dalawang magagaling na aktres sa teleseryeng kanilang ginawa. Hindi raw ma-take ni Actress A (AA) ang pagpi-primadonna ni Actress B sa set ng taping na parang siya ang pinakamagaling at pinakabida sa teleserye.
Nakapagsalita raw si AA na kung acting award lang ang basehan ng pag-iinarte ni AB, isa pa lang ang award nito, samantalang siya ay marami na. Ang nakakaloka, mas kampi ang staff ng teleserye kay AA kesa kay AB.
Mabuti na lang at bago pa naging grabe ang iringan ng dalawang aktres, natapos na ang taping. Pasalamat tiyak ang staff at director na natapos na ang kanilang problema.
In fairness sa dalawang aktres, kahit may iringan, nagpakapropesyunal sila at ginawa ang kanilang trabaho. Nakatulong din na kaunti lang ang eksenang magkasama sila, pero ibang istorya na ‘pag off-camera dahil doon sila nagkikita.
ABS-CBN -dalawang show ang offer kay Ryan
Wala palang network contract si Ryan Agoncillo sa GMA 7, per program lang ang pinirmahan nito, kaya libre itong tumanggap ng offer sa ibang network lalo na kung walang conflict sa show niya sa Ch. 7 na Ismol Family at Eat Bulaga ng TAPE Inc.
Kung magiging maayos ang pag-uusap ng kampo nito at ng ABS-CBN, puwede niyang tanggapin ang ino-offer sa kanya ng network na maging host ng Family Feud. Ang ABS-CBN na pala ang may rights ng game show na napanood dati sa GMA 7.
Ang tsika, may isa pang show na ino-offer ang ABS-CBN kay Ryan, pero bawal munang isulat. Kung nasa Kapamilya Network na siya, posibleng magsama uli sila ni Judy Ann Santos sa isang show.
Naisip tuloy namin, bakit hindi ibalik ng GMA 7 ang game show na Picture! Picture! na host si Ryan? Maganda ang concept ng show at nabigyan pa ng Certificate of Creative Excellence sa International Film and Video Festival.
Francis libiran kauna-unahang pinoy na designer ng Havaianas
Ang bongga ni Francis Libiran dahil siya ang first Filipino designer na kinuha para mag-design for Havaianas. Hintayin natin ang announcement tungkol dito at may big event daw na mangyayari bilang pagpapakilala kay Francis.
May idinesenyo rin si Francis na T-shirt at umbrella para kay Atom Araullo bilang pagkilala sa ginawang nitong pagre-report sa Tacloban City noong bagyong Yolanda. Ang nakasulat sa T-shirt at umbrella ay “Man in the Rain” at “Stay Relevant.”
Dapat this Saturday ang launching ng T-shirt at umbrella, pero dahil ipinadala ng ABS-CBN si Atom sa Tacloban noon pang October 28 at sa November 12 pa ang balik para mag-cover sa commemoration ng one year ng super typhoon, sa newspapers muna ilalabas ang design ngayong araw.
- Latest