^

PSN Showbiz

Sen. Bong iyak nang iyak nang dalawin ng kanyang principal nung elementary

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Malaki ang pasasalamat ni Danica Sotto na nagkakaroon na sila ngayon ng oras na mag-bonding ni Marc Pingris dahil sa hindi na ganun kaabala ang Gilas.

Isa sa na-enjoy ng mag-asawa ay ang pagsali nila sa Celebrity Bluff na mapapanood mamayang gabi.

Kalaban ng mag-asawa para sa kalahating milyon pisong jackpot ang kapwa taga-Gilas na si Jeff Chan at taga-Rain or Shine na si Ryan Araña, at ang taga-NU na sina Jeth Roy Rosario at Red Diputado.

PAK: Matagal bago nakasagot si Enzo Pineda sa tanong namin kung totoo ‘yung sinabi ni Kylie Padilla na tuloy pa rin ang relasyon nina Aljur Abrenica at Loui­se delos Reyes.

“Itanong ko muna kay Kylie ‘yan,” safe na sagot ni Enzo.

Sabi ng Kapuso actor, hindi naman daw isyu sa kanya kung sina Aljur at Louise pa rin dahil matagal na rin naman silang wala na ng Kapuso actress.

May bagong karelasyon na nga si Enzo na isang Ateneo graduate at mas okay ito ngayon dahil non-showbiz kaya tahimik lang.

Isa si Enzo sa stars sa pelikulang Bigkis na entry sa QC International Film Festival.

BOOM: Hindi napigilan ni Sen. Bong Revilla na maiyak nang dalawin ito ng dati niyang teacher at principal na si Sis. Mary Edward.

Hindi raw niya akalaing dadalawin ng dating principal ng Good Shepherd School na pinag-aralan niya nung elementary pa siya.

Hindi raw niya napansing tulo nang tulo ang luha niya nang kinausap siya ng dating principal na mahinang-mahina na.

Sinasabi raw sa kanyang lagi raw siyang ipinagdarasal na malagpasan ang pinagdadaanan.

Madalas ngayon ang pag-atake ng Migraine at Hypertension ni Sen. Bong kaya hinihiling nila sa korte na makapagpa-check-up siya at baka ma-confine sa St. Luke’s Global.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BONG REVILLA

CELEBRITY BLUFF

DANICA SOTTO

ENZO

ENZO PINEDA

GOOD SHEPHERD SCHOOL

INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with