^

PSN Showbiz

AiAi lilipat na sa GMA!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagulat dahil kasali si AiAi Delas Alas sa anniversary plug ng Startalk.

Asking ang fans kung lilipat na ba si AiAi sa GMA 7 dahil nag-grant siya ng exclusive interview sa 19th anniversary episode ng Startalk na mapapanood ngayon.

My kissable lips are sealed dahil ipinapaubaya ko kay AiAi ang pagsagot dahil siya ang involved sa isyu, hindi ako. Basta ang alam ko, malapit nang matapos ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Panoorin n’yo na lang ngayong hapon ang anniversary presentation ng aming programa para malaman ninyo ang tumpak na kasagutan.

Derek nakapiling na ang anak

Si Derek Ramsay ang happiest father noong isang araw dahil nagkasama sila ng kanyang 11-year old son na si Austin.

Ang pagkikita ng mag-ama ang bahagi ng amicable settlement ni Derek at ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

All’s well that ends well sa pagitan ng dalawa kaya libre si Derek na mahiram si Austin na carbon copy ni Mary Christine.

Sure na ang pagkakaroon ni Derek ng Merry Christmas at Happy New Year dahil nalutas ang kanyang mga personal problem bago sumapit ang Pasko. I am so happy for Derek na isa sa mga very accommodating na aktor kaya paborito siya ng entertainment press, including me.

Sharon hindi hinarap si P-NOY

Nakiramay si P-Noy sa mga naulila ni Mrs. Elaine Cuneta noong Thursday night.

Personal na ipinaabot ni P-Noy ang kanyang pakikiramay dahil nagpunta siya sa burol ni Mommy Elaine sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.

Ang kampo ni P-Noy ang naglabas ng litrato niya habang nakikiramay kay Helen Gamboa at Food Secretary Francis Pangilinan.  Younger sister si Helen ng nanay ni Sharon at manugang nito si Kiko.

Nabigo ang fans na makita si Sharon dahil wala siya sa mga picture na inilabas ng kampo ni P-Noy. Curious pa naman ang Sharonians na ma-sight ang kanilang idol dahil sa confirmed report na tagumpay ang pagpapapayat ng nanay ni KC Concepcion.

Si KC ang unang nag-break ng news na 30-pounds lighter ang nanay niya. Hindi madali ang magbawas ng timbang kaya deserving na i-congratulate si Sharon.

Lovi nahiya nang makatsikahan ang kanyang Ate Grace

Bago ko makalimutan, hindi lamang ang exclusive interview kay AiAi ang matutunghayan sa anniversary show ng Startalk ngayong hapon dahil ready for airing din ang rare interview together kay Lovi Poe at Senator Grace Poe.

Nagpapasalamat ang Startalk staff sa magkapatid dahil pinaunlakan nila ang imbitasyon na magsalita sa aming show sa unang pagkakataon tungkol sa kanilang relasyon.

Hindi idinedenay ni Lovi na magkahalong kaba at hiya ang na-feel niya nang magpainterbyu sila ni Mama Grace sa Startalk.

For the first time, ikinuwento ng dalawa ang ­unang pagkikita nila noong December 2004 sa burol ng kanilang ama, ang nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino, si Fernando Poe, Jr.

Natutuwa naman si Lovi dahil napansin ang acting niya sa Ang Dalawang Mrs.Real.

Nominated si Lovi sa best actress category ng Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club dahil sa performance niya sa primetime drama series ng GMA 7 na tinampukan nila nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes.

Hindi nag-iisa si Lovi dahil nominated din si Maricel para sa nasabing kategorya at programa. Nominado naman si Dingdong sa best actor category para pa rin sa Ang Dalawang Mrs. Real.

vuukle comment

ATE GRACE

DAHIL

DELAS ALAS

DEREK

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

LOVI

P-NOY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with