Sa pagpapatalsik sa manager Charice ginawang sinungaling ng nanay; hindi matanggap ang pagkawala ng ina Sharon hindi pa rin makausap
PIK: Ngayon lamang maghaharap sa kauna-unahang pagkakataon ang magkapatid na Sen. Grace Poe at Lovi Poe na mapapanood sa Startalk bukas.
Isa ito sa aabangang malaking kuwento ng Startalk na magsi-celebrate ng 19th anniversary.
Dalawang Sabado na isi-celebrate ang kanilang 19th anniversary at marami pang pasabog na ilalabas ng mga malalaking celebrities na ipi-feature ng naturang Showbiz-Oriented Talk Show.
PAK: As of presstime, hindi pa rin nagpapa-cover sa burol ni Mommy Elaine Cuneta sa Sanctuario de San Antonio.
Hindi pa rin handang humarap ang megastar para pag-usapan ang pagpanaw ng kanyang ina.
Sa ngayon ay si Sec. Kiko Pangilinan muna ang humaharap para magbigay ng statement.
Pinaghahandaan nila ang necrological service sa November 11 ng gabi dahil kinabukasan na ang libing.
BOOM: Pinabulaanan ng ina ni Charice na si Raquel Pempengco na pera ang dahilan ng pag-terminate ng kanyang anak sa manager nitong si Glenn Aldueza.
Maayos daw ang kanilang paghihiwalay at walang isyu ang pera. Pero ilan sa mga kamag-anak ni Charice ang nagsasabing pera raw talaga ang dahilan.
Sinasabi nilang ilan daw sa mga property ng International pop singer ay hindi nababayaran ng manager, at pati raw ang kotse nito ay nasa pangalan din ng manager.
Sinusubukan naming hingan ng sagot dito si Glenn pero hindi na siya ma-contact.
- Latest