^

PSN Showbiz

Lovi at Rocco parang naglaro lang sa kanilang pelikula

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Aliw na aliw sa pagkuwento si Lovi Poe sa kakaibang role na gagampanan nila sa pelikulang Soap Opera na entry ni Direk Remton Siega Zuasola sa Cinema One Originals na magkakaroon ng gala premiere sa Lunes sa Trinoma.

First time rin nilang magsama ni Rocco Nacino sa pelikula kaya nag-i-enjoy lang sila sa shooting.           

Kakaiba pa raw ang role na ginampanan nila dahil magpu-portray sila as themselves. Artista sila ni Rocco rito na meron lang silang ginagampanang role sa soap na pinagbibidahan nila.

Tuwang-tuwa raw sila sa ginaga­wa nila sa pelikulang ito dahil parang nangyayari sa tunay na buhay at na­kaka-relate raw sila.

PAK: Naintindihan daw ni Kylie Padilla si Rayver Cruz nung sinabi niyang hindi siya puwedeng maging Muslim para sa isang babaeng mahal niya.

Sinabi kasi ni Robin Padilla na mas gusto niya sanang boyfriend ng kanyang anak ay ang kagaya nilang Muslim.

Pero kung interesado si Rayver, ayaw naman daw niyang magpaka-Muslim.

Sabi naman ni Kylie, kahit siya raw hindi naman daw niya napa-practice ang pagiging Muslim. Kaya okay lang sa kanya kung hindi Muslim ang boyfriend.

 “Ayoko po kasing lag­yan ng pressure ng ganun kasi ako mismo, I’m not really practicing it eh.

 “Pero kung ready na ako magpakasal, sana pareho nga kaming Muslim,” pahayag ng young actress.           

BOOM: Naging eye-opener kina Dennis Trillo at Carlene Aguilar ang nangyaring aksidente sa kanilang anak na si Calix na napasama sa banggaan ng dalawang school bus kamakalawa ng umaga.

Mabuti at safe naman daw ang anak niya  pagkatapos nitong pina-X-ray at pina-MRI sa Chinese General Hospital dahil sa nagkaroon ito ng konting galos at bukol sa ulo

vuukle comment

CARLENE AGUILAR

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CINEMA ONE ORIGINALS

DENNIS TRILLO

DIREK REMTON SIEGA ZUASOLA

KYLIE PADILLA

LOVI POE

PERO

RAYVER CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with