Vic wala nang kawala kay Pauleen
Mukhang hindi na makakawala si Bossing Vic Sotto sa kanyang latest love na si Pauleen Luna. Kung dati ay pa-girlfriend-girlfriend lamang siya, ngayon ay kailangan na ng kasal sa pagitan nila. Kung sabagay, it’s about time na rin naman. Hindi na siya bumabata. I’m sure Pauleen is looking forward na maging maybahay niya at maging ina ng magiging anak nila. Wala na namang balakid, ‘di ba? Lahat ay payag na sa kanilang relasyon.
Jennylyn minamata sa pakikipagkaibigan sa mapapangasawa ni Patrick
Si Jennylyn Mercado naman ang tinitira ngayon dahil nakiki-close raw ito sa mapapangasawa ng ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia. Eh ano naman? Magiging tita na ito ng kanyang anak. Mas maganda kung mapigilan ni Jen na magkaroon ng gap lalo na ng anak nila ni Patrick sa magiging stepmom nito.
Bakit ba hindi tayo matuwa sa friendship ng iba at sa halip ay gusto nating pag-awayin ang mga tao? Gusto na ni Jennylyn na makapag-move on completely. Huwag naman tayong humadlang.
- Latest