First time magkakatambal, Julia ‘kinakapa’ pa si Gerald!
Walang ginagawang teleserye ngayon si Julia Montes pero abala ang aktres sa shooting ng isang pelikula. Katambal ni Julia si Gerald Anderson sa kanyang bagong proyekto. “As of now may movie akong ginagawa with Gerald. Suspense and romantic po siya. So iisipin mo kung paano hahadlangan, kung ano ang hahadlangan sa amin,” bungad ni Julia.
Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Gerald at Julia sa isang pelikula kaya medyo naninibago raw ang aktres sa binata. “Okay naman po. Masarap katrabaho and first time ko rin po siyang makatrabaho as loveteam,” nakangiting pahayag ni Julia.
Nakakaramdam na raw ng kaba ang dalaga kung paano tatanggapin ng mga tagahanga ang kanilang bagong tambalan ni Gerald. “Medyo siyempre kinakapa ko pa rin. Siyempre first time kami magkakatrabaho nina JC (De Vera) saka ni Gerald. So iba ‘yung kilala mo na ‘yung katrabaho mo, pero ngayon okay naman, nakailang shooting days na rin kami,” pagtatapos ng aktres.
Janice bibida sa cook book
Tampok si Janice De Belen at ang dalawa sa kanyang mga espesyal na putahe sa The Filipino Cook Book. Masayang-masaya ang aktres dahil itinuturing niyang malaking bahagi ito sa kanyang career. “The idea and concept of the book is parang ‘yung mga recipe na minana mo sa mga ninuno ng family mo. Inisip ko kasi noong bata pa kami, si mommy ko naman talaga ang nagluluto sa pamilya. Hirap na hirap nga ako isipin kasi si mommy may recipes na simple lang, na hindi ko na rin maalala kung paano ginagawa, at magulay siya magluto eh. Hindi naman ako masyado kumakain ng gulay. So finally naalala ko iyong ginagawa niya na favorite namin ni Gelli de Belen (kapatid ni Janice). ‘Yung chicken with cream corn and peas. ‘Yun ang contribution ko at isa pang recipe. ‘Yun naman ‘yung unang niluto ko dahil sa nanay ko na sweet and sour spicy spare ribs,” pagbabahagi ni Janice.
Isang malaking karangalan para sa aktres ang maitampok sa nasabing libro at ikinatuwa rin daw ito ng inang si Susan De Belen. “I have to submit the picture of my mom. Tapos noong ipinakita ko sa kanya nang magpunta ako sa bahay niya, dinala ko ‘yung isang recipe. Sabi ko, ‘Mommy matutuwa ka kasi ‘pag open mo ng page kung nasaan ang recipe contribution ko, mababasa mo Susan De Belen.’ Tapos picture niya at mga kapatid niya. Natuwa siya, sabi niya sa akin kanya na lang daw ang book,” kwento ni Janice.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest