Aktres nangangati nang ibunyag ang lihim ng ex-BF at dating kaibigan
PIK: Ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla ang ilan sa mga recipient ng Handumanan Award na igagawad ng grupo ng Haiyan Disaster Governance Initiative.
Isa sa bumubuo nito ay ang actor/producer na si Carlo Maceda na siyang bumubuo ng isang malaking free concert na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle sa Biyernes, November 7.
Labindalawang recipients ang tatanggap ng naturang award kung saan nagbigay ang mga ito ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte at ilang bahagi ng Visayas.
Bahagi ito ng pag-alala sa naturang trahedyang sumalanta sa ating bansa.
Isa sa pararangalan ay si Anderson Cooper ng CNN na magbibigay ng mensahe para sa naturang award.
Kasabay ng awarding ay ang free concert sa QC Memorial Circle na sasalihan ng kilalang performers ng bansa.
PAK: Nagpipigil lang ang young actress, pero gustung-gusto niyang magsalita tungkol sa patuloy pa ring relasyon ng ex-boyfriend at ng dating kaibigan.
Ang deklarasyon kasi ng ex-boyfriend at ang kaibigan nitong young actress ay walang namagitan sa kanila. Pero sabi ni young actress, hindi siya naniniwala at marami siyang patunay na sila pa rin.
Pero kung magsasalita pa raw siya, lalabas lang siyang bitter, kaya tahimik na lang siya.
Matagal na rin naman daw siyang nakapag-move on at okay na rin naman daw siya sa dalawang ito. Kaya lang patuloy pa rin sila sa pagsinungaling kapag natatanong tungkol sa kanilang relasyon.
BOOM: Ibinasura na ang kasong Concubinage na isinampa ni Mary Christine Jolly laban kina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.
Okay na raw ang dalawa dahil nagkasundo na rin sila pagdating sa kanilang anak.
Pagdating sa suporta ay tikom ang kanilang bibig dahil lahat na iyon ay idadaan pa raw sa husgado.
Sa susunod na taon ay nakatakdang bumalik ng Dubai si Mary Christine kasama ang 11-year old son nila, kaya gusto sana ni Derek na bumawi sa kanyang anak habang nandito ito.
- Latest