Pagpayat ni Sharon pinagpipyestahan!
Topic ng fans ang 30-pounds na nabawas sa timbang ni Sharon Cuneta.
So happy ang fans ni Sharon dahil effective ang pagpapapayat ng kanilang favorite singer/actress.
Marami ang nag-like sa picture ni Sharon, ang nag-iisang ebidensya na nagtagumpay siya sa kanyang pagbabawas ng timbang.
Kung nagawa ni Sharon na magbawas ng 30-pounds, puwede pa itong madagdagan hanggang ma-achieve niya ang kanyang ideal weight. Inspirasyon na ngayon si Sharon ng mga tao na muntik nang mawalan ng pag-asa na pumayat.
Bentang-benta naman sa fans ni Sharon ang mga kuwento ng kanyang mister, si Food Secretary Francis Pangilinan, tungkol sa kanilang anak na si Miguel.
Heto ang ilan sa mga amusing anecdote ni Papa Kiko tungkol sa 5-year-old bagets na nagbibigay-kaligayahan sa buhay nila ni Sharon:
“Mig (5 years old and pulling out Mom’s weighing scale in the bathroom): Dad I want to check my height! Its 40 (kilos)!
Mig (5): Did we get the toy in the States?
Dad: Yes America.
Mig: No Dad in the States.
Dad: America and the States are the same.
Mig: They’re nicknames?
Daddy: (on the way to school): O, Mig are you behaved in school? Are you obeying your teacher?
Mig : Yes Dad, I am always saying I am sorry.
Daddy Kiko: Mig your yaya said you woke up at 3 AM.
Why what happened?
Miguel : I don’t know Dad. I got tired of sleeping.
Sarah hindi nang-agaw ng eksena sa Moron
Better luck next time sa fans ng real-life love team nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na umasa na susuportahan ni Sarah ang premiere night ng Moron 5.2 The Transformation noong Lunes.
Walang Sarah na na-sight sa successful red carpet premiere ng pelikula ng kanyang boyfriend kaya disappointed ang fans.
Puwedeng-puwede na panoorin nina Sarah at Matteo nang magkasama ang Moron 5.2 sa araw at oras na gusto nila.
Tama lang na hindi umapir si Sarah sa premiere night ng Moron 5.2 dahil tiyak na masasapawan nila ni Matteo ang ibang co-stars nito.
Wish ng fans na mapanood ni Sarah ang pelikula ni Matteo dahil maraming beses na binanggit ang pangalan niya. Kinilig ang fans kaya sigurado raw na kikiligin din si Sarah. Kiligin din kaya si Mommy Divine?
Anak nina Carlene at Dennis kasama sa mga biktima nang nagbanggaan na school bus
Dalawang school service bus ang nagbanggaan kahapon nang umaga sa Quezon City.
Sugatan ang mga bagets na nakasakay sa mga nagsalpukan na school bus.
Napanood ko pa sa isang morning news program ang aksidente na nangyari.
Wala akong kamalay-malay na kasama pala sa mga estudyante na nasaktan si Calix, ang anak nina Carlene Aguilar at Dennis Trillo.
Nagkaroon ng bukol at gasgas sa ulo si Calix. Sinisisi ni Carlene ang reckless na pagmamaneho ng school bus driver. Parehong itinanggi ng mga driver na may kasalanan sila na hindi kapani-paniwala ‘no! Imposible na basta na lamang nagkabanggaan ang mga school bus na minamaneho nila.
- Latest