Pag-attend sa kasalang DongYan ni P-Noy pinakikialaman
Ang daming nag-react sa pinost ni Kris Aquino sa Instagram (IG) na natanggap na ni P-Noy ang wedding invitation sa December 30, 2014 wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sabi ni Kris, narinig niyang ipina-block ni P-Noy ang date at ibig sabihin, dadalo siya sa kasal ng dalawa.
May mga natuwa at may hindi pabor na dadalo si P-Noy sa kasal nina Dingdong at Marian dahil mas importante pa raw ba ‘yun kesa sa pamamalakad sa bansa. Ang nakalimutan ng nagtanong, hindi buong araw ang kasal at holiday ‘yun, saka choice ni P-Noy kung dadalo siya o hindi.
‘Kaloka ang reaction ng iba na kaya inimbita nina Dingdong at Marian si P-Noy dahil kakandidato ang aktor sa 2016 at si Marian nama’y feelingera.
Abay si P-Noy sa February 15, 2015 wedding nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, siguradong may mga magre-react din at tila ayaw ng iba na magkaroon ng social life ang ating pangulo.
Billy missing in action Luis, Marvin, Matteo, at DJ nangulit sa mga pasahero ng MRT
Nag-promote sa MRT ang cast ng Moron 5.2 The Transformation na naka-costume at tweet ng isa sa mga pasahero, panay ang pagpapatawa ni Luis Manzano. Na-miss lang nila si Billy Crawford dahil wala ito at sina Marvin Agustin, Matteo Guidicelli, at DJ Durano lang ang sumakay sa MRT.
Wala sa billing ng movie na showing na bukas ang mga kapareha ng lima na sina Mylene Dizon (DJ), Danita Paner (Billy), Yam Concepcion (Luis), at Nikki Valdez (Marvin). Malakas ang tsikang si Sarah Geronimo ang sorpresang kapareha ni Matteo.
Alam ni direk Wenn Deramas na mas maganda kung ang real life GF’s ng apat (walang GF si Marvin at non-showbiz ang GF ni DJ) ang kapareha nila, pero honest ito sa pagsasabing hindi ganu’n kalaki ang role ng mga babae. Saka may mga kontrata ang mga ito at mahabang proseso kung ipaaalam pa sa kanilang home studio. Baka raw tapos na ang movie by the time na umoo sina Angel Locsin at Coleen Garcia. At least si Sarah, taga-Viva rin, kaya hindi mahirap mag-guest.
Excited nang makagala, short film ni Alden na kasama si Nora kasali sa mga international filmfest
Ipalalabas sa 25th Singapore International Film Festival ang short film ni director Adolf Alix, Jr., na The Day After (Kinabukasan) tampok sina Nora Aunor at Alden Richards. Naka-schedule sa December 4 to 14 ang film festival kung saan i-screen ang movie under Asian Vision and Imagine Sections.
Ibinalita rin ni direk Adolf na invited din ang The Day After sa isa pang film festival na mauuna sa 25th Singapore International Film Festival. Hindi pa binanggit ng director kung anong international film festival ito.
Sanay na si Nora sa mga international filmfest at kilala na siya. Pero si Alden, ngayon pa lang may pelikulang kasama sa filmfest sa ibang bansa, siguradong excited ito kahit sabihing short film ang The Day After.
Patuloy ang magandang takbo ng career ni Alden, positive ang feedback ng Ilustrado na nine days na lang bago magtapos. Nasasabayan din niya si Regine Velasquez sa pagho-host ng Bet ng Bayan.
Isa pang ikinatutuwa ni Alden ay ang pagkakapili sa kanya bilang new Ambassador of Habitat for Humanity.
Sef basang-basa ng pawis ang kilikili nang makaeksena si Vic
Sabi ni Sef Cadayona, nakakapagyabang na siya sa mga kaibigan dahil kasama niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na My Big Bossing si Vic Sotto. Inaalaska rin siya ng ibang Kapuso stars na big time na siya dahil kasama sa Prinsesa episode ng movie.
Kahit sanay nang kaeksena si Vic dahil magkasama sila sa Vampire ang Daddy Ko, kinabahan pa rin si Sef sa first shooting day nila ni Vic. Basang-basa ng pawis ang kilikili niya, pero nagawa naman niya nang tama ang mga eksena niya.
Close si Sef kay Ryzza Mae Dizon, kasama niyang nag-swimming ito sa bahay nina Pauleen Luna at nakita naming karga-karga nito si Ryzza after ng shooting nila sa Paco Park.
Favorite niya si Ryzza at binibili ang gusto ng bagets. After ng shooting, dumadalaw siya sa bahay nito at lumalabas din sila. “Kuya Sef” ang tawag sa kanya ni Ryzza.
- Latest